AINS' POV
"Malulunod na yata ako," sabi ni RJ sa akin.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo," dugtong pa niya, "ano ba gumugulo sa'yo?"
"None of your business," mataray at pabiro kong sagot.
"Tell me please, please!" pangungulit niya sa akin.
"Hmm..." Naghintay siya sa pause ko.
"Gusto ako kunin ni tita Zee," sagot kong muli sa kaniya. Napatingin sa amin ang iba pa naming kaibigan at lumapit ang mga chismosa't chismoso.
"Ano!?" pabungad ni Charm. "Bakit naman?" sabi niya with high pitched na boses.
"Charm, ang OA ng reaction mo," anya ni RJ.
"Ewan... Pero if ever lang naman na gusto ko naman sumama kay Tita Zee," paliwanag ko sa kanila.
"Iiwan mo na kami Rainne?" malungkot na sabi ni Cara.
"Isa ka pang OA, Cara," pambabara muli ni RJ
"Ang Epal mo, RJ," singit ni Charm.
"Ano na Rainne? Iiwan mo kami? Akala ko ba forever tayo magkasamang apat?" madramang sunod-sunod na tanong ni Charm.
"Basta," sabi ko. "Kung totoo man sasama talaga ako kay tita. Maganda naman kasi sa Singapore," paliwanag kong muli sa kanila.
"Bahala ka nga Rainne mang-iiwan ka!" galit na sabi ni Cara.
"Di ka na namin bati, di ka na namin kakausapin..." dagdag pa niya.
"Iiwan mo kami, at mas pinili mo sumama sa tita mo," dugtong naman ni Charm.
Nakita ko ang mga mata nilang sarado, nagtatampo sila sa akin.
"Wag ka naman ganyan, Cara!" Tumingin ako kay RJ, "RJ, tulungan mo ko ipaliwanag sa kanila," nakikiusap na sabi ko.
Kasing bilis ng putok ng baril, tinalikuran nila akong bigla.
"Hala, hoy," tawag ko sa kanila.
Hindi sila gumalaw, nanlamig ang buo kong pakiramdamm natakot ako.
"Hoy!"
Naging mabigat ang puso ko, ang mga kaibigan ko...
"RJ?!" Lumalayo sila...
"Cara?!" Tinalikuran nila ako.
"Charm?!" Bakit nila ako iiwan?
"W-wa-wag niyo kong talikuran, 'WAAAAG!"
"Ains, gising nananaginip ka,"
Dinilat ko ang aking mga mata, hinahabol ko ang aking hininga. Sa boses ni Mommy nagising ako. Tiningnan ko si Mommy at may pagaalalang nakapinta sa kaniyang mukha.
"Ains, what happened?" tanong ni mommy.
"It's just a dream, Mommy, i-i-it's just a dream," sabi kong nagmamadali. "I-I don't know if it's true."
"May mga bata-- Di ko sila kilala-- yung mga batang kausap ko, hindi ko sila kilala," paulit-ulit kong sabi.
"Sinasabi kong sasama ako sa Tita ko sa Singapore, sinabi ko b-bakit? Mommy, ba-bakit ako nanaginip ng gano'n?"Hindi ko maikuwento ng maayos ang panaginip ko, ang gulo ang gulo ng lahat.
"I don't know, baby," sabi ni Mommy ng malumanay niyang boses. "Sometimes talaga may mga napapanaginipan tayo na dahil lang sa kakaisip natin or may napanood tayo na konektado sa ganun..."
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
RandomReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...