Chapter 2 ~ Moonlight ~

65 52 16
                                    

AINS' POV

"RJ," tawag ko.


Mukhang hindi ako narinig? Lumapit ako at niyakap siya sa likod. Sabay sabing, "RJ kahit naman magkalayo, magkaibigan pa rin tayo."


Binitawan ko ang pagkayakap ko sa kanya, hindi na maampat ang mga luhang sunod-sunod na bumabagsak mula sa aking mga mata. 


"Rainne," tawag niya sa akin at agad ko naman siyang nilingon. Ang  mata niya ay naglalaman ng lungkot at sakit. Hindi niya ito maikubli dahil maging ang luha niya'y unti-unti ng pumapatak. Nasasaktan ako, nakikita kong nasasaktan ang best friend ko dahil lang mawawala ako ng matagal at walang kasiguraduhan ang aking pagbabalik.


"Sorry, hindi naman kita gustong saktan, pero sana maunawaan mo na... Hindi naman kita makakalimutan eh, pangako," umiiyak na sabi ko sa kaniya.


"Ayos lang yun, Rainne," sabi niya. "Pangako ko rin na hihintayin kita, o kaya susundan kita sa Singapore." Lalong hindi maampat ang luha na bumabagsak mula sa aking mga mata.


"Rainne, tanggapin mo 'to regalo ko yan sayo isusuot mo yan palagi ah dahil yan ang magiging palatandaan ko na ikaw ang best friend ko, ma-mi-miss kita Rainne." Niyakap niya ako at pinunasan ang mga luha na naglalandas sa aking mukha.


"Ito naman tanggapin mo, regalo ko rin yan sa'yo. Ingatan mo yan dahil hahanapin ko yan pag nagkita na tayong muli. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan, hinding-hindi kita makakalimutan."


"Rainne, bago ka umalis may ipapakinig ako sa iyong kanta."


"Sige,"


Habang pinakikinggan ang tugtog ay lalo akong umiyak dahil tugma sa aming dalawa ang bawat liriko ng kanta. 


"Ains, tawag ka na ni Tita, baka mahuli raw kayo sa flight niyo," tawag sa akin ni Ate.


"Sige po, Ate, paalam, Rj," malungkot na sabi ko sa kaniya.


"Paalam rin, mamimiss kita." Umiiyak na sabi niya pero kahit masakit ay kailangan kaya tumalikod na ako at naglakad palayo sa best friend ko. Hinawakan ko na lang ang necklace na regalo niya sa akin na may singsing na nakasabit doon. 





"Ains gising, bakit ka umiiyak?" Nagmulat ako ng mata at mukha ni Mommy na puno ng pag-aalala ang una kong nakita. Maging ang unan ko pala ay basang-basa na ng luha.


"Wala, Mommy, may napanaginipan lang po uli ako," malungkot na sabi ko sa kaniya.


"Eh bakit sobrang apektado ka at grabe ang iyak mo?" tanong niya sa akin.


"Hindi ko rin po alam, Mommy," malungkot pa rin ang tono ko. Hindi ko batid pero parang ang bigat sa pakiramdam at ang sakit-sakit.


"Sige na, lalabas muna ako. Ipaghahanda kita ng pagkain. May prom night ka pa mamaya kailangan mo pang mag-ready."

Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon