AINS' POV
Isang taon na mahigit ang lumipas mula nang mawala ang baby Heaven ko. Natakot akong sundan siya sa pag-aalalang mawala lang ulit. Hindi ko na kasi kakayanin ang sakit kung maulit ang mga nangyari. Hindi ko alam kung kabayaran ba yo'n sa mga kasalanan na ginawa ko kay Aki noon. Natatakot rin kasi ako na baka hindi na ako bigyan ng pagkakataon na maging mabuting ina.
Sinubukan kong harapin ang takot ko na yo'n, sumubok uli kami at ngayon nga ay kabuwanan ko na. Kambal ang pinagbubuntis ko. Natatakot pa ako manganak, nagka-trauma kasi talaga ako nung mawala si Heaven pero sisikapin kong kayanin para sa mga anak ko.
"Ains? Na saan ka?" rinig ang kaba sa boses ni Jeiah. Hindi naman naging alanganin ang pagbubuntis ko sa dalawa pero dahil kabuwanan ko na, malamang ganiyan talaga siya.
"I'm here, sa veranda," sagot ko naman. Humahangos siya ng makarating sa kinaroroonan ko. "Makatawag naman para naman akong mawawala," napahagikgik siya kahit habol pa niya ang hininga niya.
"Di ka kasi nagsasabi kung saan ka pumupunta baka mamaya manganganak ka na pala tapos wala ako sa tabi mo," sabi niya.
"Ang OA mo, di naman ako tatakas ng bahay eh," pabirong sabi ko. "Nagugutom kami nila baby, ipagluto mo kami," dugtong ko naman.
Inalalayan niya ako, hirap na rin kasi ako maglakad dahil ang laki ng tiyan ko, mas malaki pa sa pakwan. Hindi ko nga alam kung paano ko ilalabas ang dalawang 'to. Humawak ako sa tummy ko, babies, wag niyo papahirapan si Mommy ah.
Nung manganak ako kay Aki ay hindi naman ako nahirapan pero sa pagkakatanda ko no'n, sinalinan ako ng dugo. Hindi ko lang kung pati ngayon ay sasalinan pa uli ako. Hindi namin alam ang gender ng babies namin pero alam namin na dalawa sila.
Nung isang buwan ay namili ng gamit ng baby si Jeiah, isang puro pink at isang puro blue. Malakas raw ang kutob niya na isang boy at isang girl, ang baby namin. Ayaw kasi niya malaman ang gender, gusto niyang hulaan at malaman paglabas na nila baby.
Nakarating na kami sa baba at naabutan ko pa si Aki na naglalaro sa cellphone ko. Tumabi ako sa kaniya habang pinapanood ko ang ginagawa ni Jeiah. Pancake ang niluluto niya, dapat kahapon yo'n kaso tinamad ako kaya nilagay ko na lang sa ref. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at lumapit kay Jeiah.
"Sh*t, ano ba kasi ginagawa mo sa likod ko?" Kumuha agad siya ng cold compress. Nang makalapit kasi ako sa kaniya ay namali siya ng ikot kaya nadikit niya yung pan sa akin.
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
RandomReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...