AINS' POV
Limang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal kami and I am two months preggy with my baby Heaven. Yes, Heaven ang name niya, pinag-iisipan pa namin ang idudugtong doon. Hindi ko nga makalimutan yung araw na malaman ni Jeiah na buntis ako dahil lumabas siya ng bahay namin at nagsisigaw doon. Akala tuloy nila Cara ay may masamang na nangyari dahil umiiyak pa raw ito.
Gusto kong alagaan ang baby ko, gusto ko gawin yung pag-aalaga na hindi ko nagawa sa Ate niya nung pinagbubuntis ko ito. Wala ngayon dito si Aki dahil kasama niya si Mommy mamasyal pati na rin si Tita.
"Hon," natawa ako ng dali-daling pumunta si Jeiah sa harapan ko. Yes, I call her hon, yun kasi ang endearment na ginamit ko sa kaniya after namin ikasal.
"W-what's wrong? M-may masakit ba sa iyo?" sunod-sunod niyang tanong. Ganiyan yan, pag tinatawag ko laging natataranta na akala mo ay may nangyari ng masama sa akin. Well, he have his reasons, muntik akong mag-miscarriage 2 weeks ago dahil nalaman ko na nakatakas si James na ikina-stress ko ng sobra.
"Nope, gusto ko lang bumaba," sagot ko sa kaniya. Nakabukod na kami ng bahay, nagpatayo pala siya ng bahay noon ng hindi ko alam. Akala ko kasi nung may ginagawa malapit sa playground ay another establishment lang ng family.
Sinamahan niya ako at napadaan kami sa isang table sa second floor ng bahay kung saan nandon ang lahat ng picture frames. May nadagdag doon at may nakakabit pa na padlock, after wedding ni-retrieve namin yung lock at nag-take uli ng pictures. Ipina-frame rin ni Mommy yung pic namin nila Daddy at binigyan niya ako para may mailagay ako sa bahay namin. Nang makalagpas kami sa table ay laking gulat ko nang nalaglag ang isang frame. Pinulot ko ang picture frame na nalaglag, picture ng anak ko na ako ang kumuha nung na sa Magical Express kami.
"Sh*t," bulalas ko, napakalakas ng kabog ng dibdib ko.
"Chill ka lang, Ains, baka nasanggi mo lang or hangin lang," sana nga ganon. Nang lamig ang buo kong katawan ng marinig kong mag-ring ang cellphone ko na naiwan ko sa kwarto, agad akong tumakbo para kunin yon. Tumatawag si Mommy.
"A-ains," lalong bumilis ang tibok ng puso ko, si Mommy, umiiyak.
"W-why? W-what happened?" Hindi ko alam pero may mga luha ng tumutulo mula sa mga mata ko.
"S-si Aki," paghikbi na lang niya ang narinig ko.
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
RandomReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...