AINS' POV
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa hawak-hawak ko. Huwag naman sana dahil hindi ko kakayanin kung sakaling totoo ang mga tinuran ni Tita Mammee.
"Shit," bulalas ko at bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"H-hindi ito m-maaari, I-I-I can't," hindi ko matanggap ang resulta sa hawak kong pregnancy test. Hindi ko matanggap na ipagbubuntis ko ang anak ng walang hiyang iyon.
"I-I-I c-can't, h-hindi ko kayang magpaka-ina sa iyo l-lalo na b-bunga k-ka ng k-kasalanan ng iyong a-ama." Hindi ko nagawang maipakulong ang walang hiyang humalay sa akin dahil agad niyang natakasan ito. Bumalik siya ng Pilipinas bago pa lang ako makabalik sa katinuan ko bunga ng trauma na sinapit ko.
P-pero tila mawawalan na naman ako sa katinuan dahil dinadala ko lang naman ang anak ng c-criminal na yon. Puro iyak lang ang ginawa ko at makalipas ang ilang saglit ay hawak-hawak ko na ang Misoprostol. Binili ko ito kasama ng pregnancy kit. It's a medicine for an abortion.
"I-I-I am so sorry child but I-I-I c-can't," akmang iinumin ko na ang gamot ng biglang may mga kamay na humampas sa kamay ko dahilan para tumapon ang gamot na hawak-hawak ko.
"AINS, WHAT THE HELL? WHAT ARE YOU PLANNING TO DO?" sigaw sa akin ni Tita Mammee.
"P-please, Tita, I-I can't raise this child knowingly that his father is a rapist," kumawala ang hikbi sa mga labi ko at bumagsak muli ang mga luha mula sa aking mata. Patuloy lang iyon sa pagdaloy na animo'y nag-uunahan pa ang mga ito.
"Ains, listen," lumapit siya sa akin at bahagyang iniangat ang mukha ko para lamang tignan ako sa mata, "I'm always here for you, kahit pa anak yan ng criminal, anak mo rin yan. Dugo mo ang dumadaloy sa batang yan. Nandito ako para tulungan ka sa pagdadalang-tao mo. Tanggap pa rin kita sa kabila ng nangyari sa iyo. Hindi kita pababayaan at maging ang batang dinadala mo. Hindi mo dapat singilin sa kaniya yung pagkakasala ng ama niya. Mag-ama lang sila pero hindi ibig sabihin no'n maaari mo na sa kaniya sisingilin ang kasalanang hindi mapagbayaran ng ama niya. Naiintindihan mo ba ako?" yumuko lang ako.
"M-mammee, h-hindi ko pa rin kaya."
"Walang kasalanan yang batang dinadala mo. Buhay yan sa sinapupunan mo baka kung ipalaglag mo yan ay balang araw pagsisisihan mo dahil siningil mo siya sa kasalanang hindi niya ginawa," patuloy pa rin ang pag-iyak ko.
"Bakit kasi Niya ako pinabayaan? Bakit sa lahat ng tao sa mundo ako pa nakaranas nito? Walang gabing lumipas na hindi ko napanaginipan lahat ng nangyari sa akin. Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? ANO BANG KASALANAN KOOO? MAMMEE, SAGUTIN MO AKO, ANO'NG GINAWA KONG KASALANAN PARA PARUSAHAN AKO NG GANITO?" napahagulgol na ako, ang sakit eh, baka pag niluwal ko ang batang ito hindi ko man lang magawang lumapit sa kaniya. Patuloy pa rin ang pagtatanong ko sa Diyos bakit niya pinahintulot 'to.
"Ains, wala kang nagawang kasalanan. Lahat ng bagay may dahilan mabuting pangyayari man at kahit ang masamang pangyayari. Hindi ko kayang panoorin kang nagkakaganyan nadudurog ang puso ko sa tuwing makikita kitang nahihirapan. Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo gagawin ko kasi hindi ko na makayanang makita kang nagsu-suffer." Napaiyak na rin siya. Bakit ba ganito ang mundo? Lubha akong pinahihirapan. Gusto ko na lang mamatay para huwag ko na makita pa ang lalong paghihirap ko. I'm so young and then I'm suffering from this shit.
"H-hindi ko na po kaya M-Mammee, masyado nang masakit. Lumipas ang ilang linggo pero yung sakit at pangamba andito pa rin. Gusto ko na lang mawala sa mundong ito kaysa makita ko pa ang lalong paghihirap ko sa araw na iluwal ko ang batang ito. H-hindi ko na talaga kaya, pwede bang tama na muna? Pwede bang kahit ilang araw lang tantanan ako ng pesteng sakit na 'to kasi buhay pa naman ako para na akong pinapatay." Napadausdos ako sa sahig at umiyak na lang nang umiyak, naramdaman ko na lang na yinakap ako ni Tita pero kahit mga yakap niya ay hindi magawang alisin ang sakit na nadarama ko.
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
RandomReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...