AINS' POV
"Sabing bilisan mo Ains ang kupad mo talaga," wika sa akin ni Ate.
"Grabe ka naman Ate, parang ayaw ko na nga umalis kasi nakikita ko mga kaibigan ko nalulungkot tapos kayo nila Mami at Dadi," sabi ko naman sa kaniya.
"Sino namang nagsabing nalulungkot kami?" pagsusungit niya.
"Bakit ate hindi mo ba ko mami-miss?" tanong ko sa kaniya na may halong lungkot.
"NEVEEEER, buti nga yo'n at hindi na kita makikita pa at kung pwede sana huwag ka ng babalik, doon ka na lang sa tita mo sa Singapore." Nasaktan ako sa bawat katagang binibitawan nya na animo'y habang nagsasalita siya ay unti-unti iyong tumatarak sa mga puso ko. Nagpasimula na namang magsibagsakan ang mga luha mula sa mata ko.
"Tita mo rin naman siya ah," sagot kong muli.
"Hindi ko siya tinuturing na Tita dahil ikaw lang naman ang mahal niya sa ating dalawa kaya pwede ba tigilan mo ako sa kadramahan mo," lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko.
"Ang sama ng ugali mo Ate, sana hindi na lang ikaw naging ate ko buti pa yung iba mapagmahal sa mga kapatid nila pero ikaw hindi, I.HATE.YOU." Dinahandahan ko pa ang pagkakabigkas ng dulong salita na iyon kasi nasasaktan talaga ako.
Tinulak niya ako at sabay sabing, "Sino ba nagsabing gusto ko rin sayo? Hindi rin naman kita gusto maging kapatid, bakit naman ba kasi ako binigyan ng kapatid na katulad mo?"
Hindi ko na kinaya yung sakit ng mga salitang binibitiwan niya kaya pagtayo ko ay diri-diretso ako ng takbo, hindi ko na rin namamalayan kung na saan ako. Basta narinig ko na lamang na may bumubusina kaya't napalingon ako at nakita ko ang isang humahagibis na sasakyan na palapit sakin.
"AIINNSSSLEEEYYY,"
Nakarinig ako ng pagkalakas-lakas na tunog. Tumayo ako dahil nasubsob ako sa pagtulak sa akin at pagkaraan ay nilingon ko ang kalsada kung saan ako bigla na lang tumilapon.
"AATEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE,"
"Ains, Ains, Ains, gising nananaginip ka na naman," napamulat ako sa pagyugyog sakin ni Mommy.
Nangingig at nangangatog pa rin ako yumakap na lang ako kay Mommy at umiyak ako sa bisig niya.
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
RandomReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...