ZYANNA'S POV
Nandito kami ngayon sa Lipa City District Hospital kung saan ipinanganak si Ainsley. Hindi namin alam bakit bigla na lang siya nawalan ng malay. Nagulat na lang kami dahil tumatawag na si RJ sa amin na hinimatay raw siya.
Kitang-kita ko ang pag-aalala ni Zoey kung may higit mang nag-aalala kay Ainsley ay si Zoey iyon. Saksi ako sa mga pinagdaanan niya at maging sa pagkawala ng anak niya kaya alam ko kung gaano niya kamahal at gaano kahalaga si Ainsley sa kaniya.
Alam ko rin kung gaano siya nadurog noon nung sabay na mawala sa kaniya ang mag-ama niya. Tanging si Ainsley lang ang pumawi sa lahat ng sakit at lungkot na naramdaman niya. Wala nga namang ibang mas sasakit pa pag namatayan ka ng mahal sa buhay. Eh, paano pa yung sabay at mag-ama mo pa? Halos na-depress siya nung malaman niya yon, lagi niya sinasabi sa sarili niya na hindi man lang niya naranasan magpaka-ina. Hindi niya rin naranasang maging mabuting asawa dahil hindi pa sila kasal nung mabuntis siya sa baby girl niya.
"Ano ba talagang nangyari ha? Inaway niyo na naman ba siya Cara, Charm? Sumagot kayo," mula iyon kay Zoey.
"Zoey, alam kong nag-aalala ka pero calm down ka lang," sagot ko naman sa kaniya.
"ATE, HOW THE HELL CAN I CALM DOWN?" nabingi ako sa pagsigaw niya, maging ang mga nurse ay napatingin sa amin.
"Zoey, you don't need to raise your voice," pag-awat ko sa kaniya.
"S-sorry, Ate, nag-aalala lang ako."
"So, Cara, Charm, RJ, ano ba talagang nangyari?" tanong ko sa mga kasama namin.
"Tita Zoey, Tita Zyanna, promise hindi namin siya inaway. Nagtatanong lang ako, ni hindi ko siya sinaktan. Promise, Tita, kahit tanungin niyo pa si RJ," pagpapaliwanag ni Cara.
"Yes, Tita Zee, nagtaka kami at bigla na lang siyang hinimatay," dugtong naman ni RJ.
"Ate, paano kung bumalik yung sakit niya? May nakita akong towel no'n puno ng dugo. Ateee paano na, ano na gagawin ko?" tumulo na ang luha ni Zoey.
"T-tita, a-anong sakit?" mula ang tanong na iyon kay Alya na siyang kapatid ni Ainsley.
"M-may sakit si Rainne?" sabay na sabi ni Cara at Charm, si RJ ay nakamasid lang na may halong pagkagulat.
"Listen, so you won't blame her sa pagpunta namin sa Singapore. May sakit si Ainsley, nagkaroon siya ng sakit sa dugo before. It will lead to leukemia pag hindi naagapan. Mas bihasa ang mga doctor sa ibang bansa kaya advice ng doctor dito sa mismong hospital na ito na sa ibang bansa siya ipaggamot." Nakita ko ang pagtulo ng luha ng mga nakikinig sa kinukuwento ni Zoey.
"You too Alya, pinalabas namin noon na lagi lang siya na kay Zoey dahil ayaw namin na malaman mo. Kung bakit ramdam mo na mas mahal at mas binibigyan namin siya ng atensyon. Hindi totoong na kay Zoey siya all the time because she's here in the hospital. Hindi na niya panigurado natatandaan yon dahil 5 years old siya ng itigil siyang dalhin dito. Napag-usapan talaga na pagdating ni Ainsley ng 7 years old ay dadalhin na siya ni Zoey," pagpapaliwanag ko naman.
"So, please stop blaming her, even she don't want to go with me, sasama pa rin siya dahil kailangan. Ilang taon ang medication niya, bihira siyang dalhin sa hospital para di siya makahalata. Doctor ang pumupunta sa amin." I saw how devastated them right now. All this year we keep this secret and they only do was to hate Ainsley without knowing the truth.
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
RandomReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...