Chapter 15 ~ Karibal ~

10 0 0
                                    

AINS' POV



May business gathering today, ipapakilala na raw ang successor ng bawat owner. Ipapakilala na rin yung mga secret owner. Kaya kahit natuklasan ko na di naman ako anak ni Tita ay kailangan ko pa ring sumama. Probably andoon si Cara, hoping na hindi naman kami mag-away sa harap ng mga magulang namin. Hindi rin sasama si Ate dahil hindi naman kasama sa owner ang parents namin though may mga company na siyang pagmamay-ari ngayon.




"Come in," sabi ko sa taong kumakatok at agad namang pumasok si Aki.




"Mommy, Mommy, you look beautiful," sabay ngisi, nakabihis na kasi ako at nag-a-apply na lang ng light make up. Hindi naman ako yung nagme make up na lahat ng kung ano-ano ang nilalagay. Eye shadow, blash-on and lipbalm lang okay na ako.




"Nambola ka pa baby girl, anyway Mommy have some important thing to do. Behave ka lang kasama yung ate ko ah."




"Sige po," 




"Baby girl, sino yung Mommy mo and Daddy mo? Na saan sila? Sabi kasi ni Tita na sa foster child care ka before, so na saan talaga yung parents mo?" If wala na talaga siyang parents, I'll tell Mommy na i-a-adopt ko na lang si Aki as in isusunod ko na siya sa surname ko.




"You're my Mommy po, but I don't know who's my Daddy," tumingin ako sa kaniya.




"You're real Mommy yung tinatanong ko, anyway kung di mo alam or wala ka ng Mommy. Ako na lang mommy mo ah?" kuminang ang mga mata niya. Lumapit siya sa akin at yumakap.




"Sure, Mommy," hinalikan ko lang siya sa ibabaw ng ulo niya.




"Oh siya baby, aalis na kami ah, behave ka lang with my Ate. You can call her Tita by the way," tumango lang siya "Iwan na kita dito ah, you can play with my Ipad or my laptop walang password yan." I kissed her on the cheeks pagkaraan ay lumabas na ako at naglakad na pababa. 




Nakita kong kararating lang ni Ate at si Tita ay nakabihis na rin. Si Tita Zyanna dapat mag-aalaga ngayon kay Aki pero may lakad din siya kaya si Ate na lang pinakiusapan ko.




"Hi Ate, Aki's upstair don't worry mag be-behave siya. And tita can I adopt Aki yung masasabi kong anak ko talaga siya gusto ko dalhin niya surname natin?" Si Tita na nagsusuot ng sandals ay biglang napatingin sa akin.

Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon