Chapter 12 ~ Sana ~

16 2 0
                                    

AINS' POV




"Hi Honey, hindi mo sinabi na nakauwi ka na pala."


















Oh shit, sino siya?




"Who are you?" tanong ko sa babaeng na sa harapan ko na pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.




"Huwag mo kong ma-who are you, who are you diyan. I am Cara Jhem Lewis, future wife of Raineille Jerah," shit, what did she say?




"F-future w-wife?" halo halo ang emosyon na nararamdaman ko.




"Oh bakit gulat na gulat ka? Sino ka ba?" mataray na tanong ng babae.




"I-I am Rainne Ainsley Moore, Jeiah's queen, Jeiah's girlfriend and soon to be fiance in short soon to be Mrs. Davis," kabado man ngunit pilit kong ipinaglalaban kung ano ang sa tingin ko'y karapatan ko.




"I am his fiance, so back off." Tumingin ako kay Jeiah, yung tingin na humihingi ng kasagutan. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko.




"Baby listen, yes she's my fian---" Hindi niya natapos ang mga sasabihin niya ng agad na dumapo ang mga palad ko sa pisngi niya.




"How dare you? You're a jerk. May fiance ka na pala pero bakit mo pa ako pinaasa? Bakit mo pa sinabing mahal mo ako kung may mas nauna na pala sa akin?" Kumawala ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan. 




"Baby, listen," 




"Don't call me baby, walang hiya ka. Niligawan mo ako para ano?" pinaghahampas ko siya sa dibdib. Ang sakit-sakit kung kailan ko tinanggap sa sarili ko na may lalaki na akong mahal doon naman ako masasaktan ng ganito.




"Please just listen, hindi ko mahal si Cara dahil ikaw ang mahal ko. Naka-fix marriage kami pero tutol ako doon." Muling dumapo ang mga kamay ko sa pisngi niya. Hindi ko matanggap ang bawat salitang binibitiwan niya.




"Sana sinabi mo sa akin nung una palang para 'di na ako umasa sa pagmamahal na may nagmamay-ari na pala kahit pa fix marriage lang yan. Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko kung sasaktan mo lang rin naman ako. Nangako ka, nangako ka Jeiah pero bakit mo ko binigo?" Hindi na maampat ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak.

Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon