Chapter 21 ~ Shock ~

8 0 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Boss, alam na namin kung na saan yung pinapahanap niyo."





"Good."





"May napag-alaman po kami, merong batang palagi siyang kasama na na sa edad na anim o pitong taon." 





"WHAT? ALAMIN NIYO KUNG SINO YUNG BATA. PAG NALAMAN NIYO NA KUNG SINO PUPUNTAHAN NATIN SIYA AGAD."





"Yes, boss."





















AINSLEY'S POV

Nakauwi na kami mula sa hospital dahil pinayagan na rin ako ng doctor. Hindi ko naman na kailangan na laging pumunta do'n para magpa-check up. Nakatulong ang dugo ni Tita na sinalin sa'kin, ang kailangan ko na lang ay alagaan ang sarili ko dahil maaari pa itong balik o di kaya'y manahin ng magiging anak ko.





Kasalukuyan kong pinagmamasdan matulog si Aki. Almost 2 days ko rin kasi siya hindi nakita dahil hindi na ito pinasama ni Tita Zyanna sa hospital kahit ano pang pilit nito. Iniwan na lang siya kay Ate para siya ang magbantay. Hindi ko rin nakita si Charm at Cara, maybe they're hiding because they think na fault nila yung nangyari sa akin.





Tumayo ako upang magpunta sa dressing room namin ni Aki. Nakapantulog pa rin kasi ako kahit hapon na. Magdamag ko lang kasing tinitignan ang payapang pagtulog ni Aki kasi pakiramdam ko napapawi no'n ang lahat. Pakiramdam ko rin nakatingin ako sa batang ako dahil nga kamukhang-kamukha ko siya.





Nang matapos akong makapagbihis ay nag-apply lang ako ng pink lip balm ko at pagkaraa'y lumabas na. Nakita kong nakaupo na si Aki sa kama.





"Mom, san ka po galing?" ganiyan yang batang yan masyado naging obsessive sa attention ko dahil parati akong nagkakasakit.





"Nagbihis lang ako baby," then I smiled.





"Mommy, can we go somewhere with tito Jeiah?" nag-beautiful eyes pa siya at agad iyong tumalab sa akin. Kinurot ko ang pisngi niya.





"Para namang matatanggihan ko ang cute kong baby, wait I'll call your Tito Jeiah," kinuha ko ang phone ko.





"My soon to be daddy," napangiti ako sa sinabi ni Aki.





"Yes baby, soon," kinindatan ko pa siya bago ko tuluyang i-dial ang number ni Jeiah.





"Hi, baby," bati niya.





"Free ka ba today? Gusto ni Aki na umalis tayong tatlo."





"I always have time for you and for Aki. Wait for me, magbibihis lang ako," napangiti ako. Lagi yang ganiyan, lagi kaming pinagbibigyan.





"Thank you, Meoooooowww."





"I love you too," binaba ko na ang phone ko pagkasabi niya no'n at binalingan si Aki.





"Meow? What's that, Mommy? kunot noong tanong niya.



"It's between your Tito Jeiah and me, If I say Meow it means I love you, anyway, baby, let's go bihis na tayo," tuwang-tuwa si Aki at patalon-talon pa siyang pumunta sa dressing room.





NAKALIPAS ang ilang saglit ay pareho na kaming nakabihis ni Aki. I'm wearing a dress, twinning kami ni Aki, same design ang dress namin. Tinatali ko na lang yung buhok ni Aki then we're done.





Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon