AINS' POV
Papunta na kami ngayon sa wedding planner na hinire ni Mommy. Ayaw ko pa sanang umalis sa cemetery pero kailangan at nangako akong dadalawin ko ulit si Daddy.
"Baby, sino pala nagbabantay kay Mochi and Mocha ngayon?" tanong sa akin ni Jeiah. Si Mochi nga pala yung munchkin at si Mocha naman yung teacup maltese, bigay niya sa akin nung mag-propose siya.
"Ibinili ko kay Ate na pakainin at painumin muna ng vitamis yung dalawa habang wala ako sa house," may oras kasi ang pagkain at pag-inom nung dalawa.
"We're here," sabi ni Mommy, agad kaming bumaba at pumasok sa loob ng building pero para siyang house.
"Good afternoon, Ma'am, Sir, hinihintay na po kayo ni Mrs. Tuazon sa office niya." Tinanguan namin ang staff at itinuro niya naman sa amin ang daan patungong office. Kung titignan mo sa labas ay mukhang maliit lamang ito ngunit lahat ng yo'n ay pangdaraya lamang ng mga mata mo dahil napakalaki nito mula sa loob.
Nang makarating kami sa pintuan ng office ay kumatok kami, agad naman kaming pinagbuksan ng isa pang staff.
"Pasok na po kayo, hinihintay na po niya kayo." Ngumiti ako sa kaniya bago pumasok.
"Hello, you must be Ainsley?" Ngumiti ako sa kaniya bago sumagot.
"Yes po, and this is my fiance, Jeiah, and my daughter, Aki, nagpa-park lang po ng car si Mommy," mukhang friend sila ni Mommy.
"You may take a seat," sabay turo sa sofa. Ilang minuto lang ay dumating na si Mommy.
"So, what kind of wedding do you want? Ano'ng motif, ano'ng theme?" sunod-sunod na tanong ni Mrs. Tuazon.
"A princess wedding theme po, pink po ang motif na gusto ko, sa flower gusto ko po roses." Nginitian ako ng pagka-ganda-ganda ni Mrs. Tuazon pagkatapos ay humarap siya kay Mommy.
"Looks like she inherited that from you." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"What do you mean, Mrs. Tuazon?" naguguluhan kong tanong.
"Well, if you do---"
"Wait bes, ako na magsasabi sa kaniya, princess wedding is my dream wedding too. Yun ang wedding theme dapat namin ng daddy mo, pink rin ang motif na pinili ko and roses din ang flower na gusto ko," pagpapaliwanag niya.
"Because of that, I have better idea for your wedding. Ako ang wedding organizer ng Mommy mo noon, so I can use that plan and dadagdagan ko na lang." Napangiti na lang ako, nakaka-speechless eh.
"Sabihan mo lang ako kung ano'ng kailangan mo, I want everything to be perfect for my daughter."
"Mrs. Tua--" inangat niya ang kamay niya tanda ng pagpigil sa akin.
"Just call me, Tita Denise," sabay ngiti sa akin.
"Tita Denise, ano po ang gagawin niyo sa wedding ko?"
"Secret, masu-surprise ka na lang, trust me, I'll make sure that you're wedding is going to be perfect."
"Trust your Tita Denise," sabi naman ni Mommy.
"Thank you, Tita Denise," sabi ko sa babae bago kami tuluyang lumabas.
"We're going to your Tita Kylie's house, siya ang magde-design ng mga susuotin natin." Umalis na kami sa building ni Tita Denise.
BINABASA MO ANG
Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)
DiversosReine Alessia Mendez had a turbulent past. Her life became untold because of the memories that she cannot remember. She dreams about everything but she didn't know if it's verifiable or it's just a fantasy made by her own mind. Her lover was about t...