Chapter 9 ~ Graduation ~

10 3 0
                                    

AINS' POV


Lumipas ang tatlong buwan pero ang buhay ko ay nananatiling isang malaking misteryo dahil wala pa rin akong natutuklas na kahit ano. Patuloy pa rin ang pagkakaroon ko ng mga masasamang panaginip. Mas nagiging malapit na rin kami sa isa't isa ni Jeiah at maging ni Tita Zyanna pero pagdating sa batang si Aki ay hindi ko pa rin magawang buksan ang sarili ko sa kaniya. Mahahalata mo ang pagiging matalinong bata niya sa kabila ng mura niyang edad.




Ngayong araw nga ay graduation day ko, nag hire pa si Mommy ng mga make up artist. Sabi kasi niya 'this is one of the best day ever' and after graduation ay diretso na kami ng airport upang umuwi sa Pilipinas. Mas excited pa yata ako sa bagay na yo'n kaysa sa graduation ko.




"Congrats, Ains," napalingon ako sa nagsalita, si Tita Zyanna at may inaabot siya sa akin. Nang abutin ko iyon at buksan ay nanlaki ang mga mata ko.




"I-it's," hindi kasi ako makapaniwala.




"Yep, that's my gift for you," kahit na inaayusan pa ako ng mga make up artist ay tumayo ako para lang yakapin si Tita.




"Thank you, Tita," pagkasabi no'n ay bumalik ako sa chair na kinauupuan ko para maipagpatuloy ng mga make up artist ang trabaho nila.




My Tita, just gave me a box full of jewelry, may gawa sa gold at silver. Mayroon ding singsing na may diamante at maging ang ibang necklace. If I'm not mistaken nabanggit ko na pangarap kong magkaroon nito weeks ago nung nag di-dinner kami sa KOMA restaurant kasama si Jeiah.




I can't believe it ga-graduate na ako. 'Bachelor of Science in Real Estate Management'. Si Jeiah naman ay nagtapos ng 'Bachelor of Science in Business Administration major in Management' or mas kilalang (BSBA-M). Sa course pa lang bagay na talaga kami. BSBA-M raw ang kinuha niya dahil siya ang magte-take over ng company na pagmamay-ari ng Mama at Papa niya. Ako naman parang medyo trip ko lang talaga dahil bago ako kumuha ng Real Estate Management ay kung ano-ano muna ang kinuha ko, tulad na lang ng photography.




I reach for my phone when I heard some ring and I look to the caller 'My King'. Si Jeiah tumatawag.




"Hello, baby," bati niya.




"Miss me?"




"Oo naman wala namang oras na lumipas na di kita na-miss," aww ang sweet talaga niya.




"Bolero," napangisi na ako.




"Totoo yo'n, baby."




"Oo na, oo na," I giggled.






"See you later, baby."




"Chiyaaaaa," binaba na niya ang telepono. Sasabay na rin si Jeiah sa amin pauwi ng Pilipinas kaaya malamang ay nag-aayos pa yo'n.




Ilang minuto ang lumipas ay natapos na sila sa pag-aayos sa akin.




"Ma'am, you can change your clothes," sabi nung isang artist. Naka-robe lang kasi ako habang inaayusan nila kanina.




"Sure," pumasok ako sa bathroom at sinuot na ang dress ko. It's a blue lace dress and sleeveless with ribbon sa bewang ko na magsisilbing belt. Matapos ko iyong maisuot ay tumingin ako sa reflection ko sa malaking salamin. Ang ganda ko kahit na simple lang yung dress na suot ko. Lumabas na ako at nakita ko pa silang lahat na naghihintay sa akin habang hawak-hawak ni Mommy ang toga ko.




Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon