Chapter 24 ~ Acceptance ~

5 0 0
                                    

AINSLEY'S POV


Isang linggo na ang nakalipas mula ng ma-hospital si Aki. Isang linggo na rin nung mahuli ng pulis si James. Simula no'n hindi ko pa nakita si Jeiah baka napagod na siya at di niya tanggap yung tulad ko. Sino nga naman bang magmamahal sa tulad kong marumi na at minsan ng ginamit ng iba? Wala namang gugusto sa isang taong naging parausan na.



Na-miss kong sumulat ng mga katha kaya naisipan kong sumulat muli. At dahil nakakaalala na ako naisipan kong gumawa ng isang katha na patungkol sa nangyari sa akin. Talamak kasi sa panahon ngayon ang victim blaming. Kaya raw na pagsasamantalahan dahil maigsi ang kasuotan. Hindi ko nga alam kung bakit sa tuwing nakakaranas ng ganoong bagay, biktima pa ang may kasalanan. Nilabas ko yung notebook ko na puno ng katha ko at nagpasimulang isulat ang bagong tulang nilikha ng aking isipan na pinamagatang, 'LUHA NG KABABAIHAN'.


"LUHA NG KABABAIHAN"

Kahalayan, bakit sa tuwing nararanasan
Biktima pa ang parating may kasalanan
Kailan man di ginusto ng isang kababaihan
Na maging biktima o maging inyong parausan

Hindi kami isang gamit, na sa sandaling nais gamitin ay maaari
Hindi kami isang pagkain na pagpinagsawaan ay itatapon sa tabi
Hindi kami peste na basta na lang ay inyong papaslangin, dahil tao kami

Hindi sagot ang maikling suot para kami inyong bastusin
Tao rin kami na nagmimithing inyong respetuhin
Kung kasuotan ang basehan ng paggalang
Bakit may hinahalay pa rin kahit mukha namang manang?
Bakit kahit mga sanggol ay hinahalay at pinapaslang?

Sa tuwing may mga lasing sa kanto
Na palaging takbo ng isip, buhay nasa piligro
Bakit tila hindi na ligtas sa kababaihan ang ating mundo?
Dahil sa IBANG kalalakihan na nawawala ang respeto

Sa tuwing nanggagahasa na parating biktima ang may kasalanan
O di kaya'y sasabihing nakainom kaya  nakagawa ng karahasan
O kaya nama'y nakagamit ng droga kaya't wala na sa katinuan
Maibabalik pa ba ang buhay na nasawi ng dahil sa kahalayan?
Ang magagawa na lang ng pamilya'y, tanging biktima'y tangisan

Sa mga magulang na may anak na kalalakihan
Sila'y turuan ng PAGRESPETO sa kababaihan
Hindi yung hahayaan na lang gumawa ng katarantaduhan
Na sa PAGDISIPILINA pa rin ng magulang ang SOLUSYON sa karahasan
Kung LAHAT ng kalalakihan ay naturuan at naaralan
Wala SANANG babaing tumatangis dahil nakaranas ng kahalayan

~ Rainne



Ito ang isang kathang tumatak sa akin. Siguro isa rin yo'n sa ikinatatakot ko ngayon na makaranas ako ng victim blaming dahil sa pagkakaalala ko naranasan ko na ito sa ibang tinuring kong kaibigan nung panahong pinagbubuntis ko pa si Aki.




Ngayon daw kailangan naming pumunta sa Owner's building dahil kailangan nila malaman ang patungkol sa akin. Malamang ay marami silang tanong dahil napabalita ang pagkakakulong kay James Lopez sa kasalanang panggagahasa sa nag-iisang anak ni Zoey Moore. Yes, kilala kasi si Mommy kaya't naipabalita ang bagay na ito. Siya kasi ang pinakakilala sa lahat ng may-ari ng Royal Town. Kailangan naming sabihin sa kanila ang nangyari dahil pamilya raw kami dito and maybe later I would have a chance para makita si Jeiah. Kailangan ko rin ipakilala sa kanila si Aki kasi ang unang alam nila ay inampon ko lang si Aki.




KASALUKUYAN kaming na sa tapat ng building hinhintay na lang namin si Mommy na nagpa-park. Nang matapos siya ay agad kaming naglakad para makarating doon dahil as usual kami na lang hinihintay. Nang makapasok kami ay si Jeiah agad ang una kong hinanap pero di ko siya makita, bukod tangi na siya lang ang wala.




Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon