Chapter 26 ~ My Dad ~

4 0 0
                                    

AINS' POV


Mommy wants everything to be perfect for my wedding. We're planning to go to the wedding planner na ni-hire ni Mommy but before that we're going to daddy's grave. Kung saan raw nakalibing ang inakala kong magulang ay doon rin nakalibing ang daddy ko. Ang magiging kasama ko ay sina Aki, si Mommy and si Jeiah. Nung malaman raw ni Mommy na ako yung anak niya agad niyang pinalipat ang labi na katabi ng kay Daddy. Pinalipat raw niya ito sa tabi nung kina Tita Aiko at pinapalitan rin niya ito ng surname. Ang nakalagay sa labi ng pinsan ko noon ay Reika Ashley M. Reyes na pinapalitan na ngayon ng Reika Ashley A. Moore. Kung pareho kaming nabuhay ay Reika Ashley ang pangalang ng anak nila Tita at Rainne Ainsley ang kay Mommy and Daddy. Nakiusap lang noon si Mommy kung maaari nilang pagpalitin ang pangalan ng anak nila sa kadahilanang ayaw niyang maisip noon na wala na ang anak niya.




Sinabi niya rin noon sa akin na gusto niya ipangalan sa anak nila Tita ay Reina Ainsley pero hindi raw iyon totoo. She came up with that lame excuses dahil ayaw pa niya malaman ko ang totoo. The true story behind the Royal Town ay pinagpipilian ni Mommy noon kung Reina Ainsley or Rainne Ainsley ang ipapangalan sa akin then nakapag-decide sila ni Daddy na Rainne Ainsley na lang. Pinaggamit niya ang pangalan ko dahil ayaw niyang maisip na wala na ang anak niya noon. Yung sinasabi niyang nabuo ang Royal Town dahil sa pangalan ko ay totoo yo'n dahil isa yo'n sa pangalang pinagpilian nila noon.




Ang pangalan raw ng Daddy ko ay Acer Jayvee Alonzo Reyes. May inasikaso lang raw sandali si Mommy bago kami pumunta ng cemetery. Ngayon ay inaayusan ko na lamang ng buhok si Aki. Tulad ng dati ay matchy uli ang damit namin pero iba ngayon dahil ganun din ang suot ni Mommy. Romper dress iyon pare-pareho ang design pero iba ang color ng na kay Mommy. Terno rin kami ng shoes ng anak ko, this is what I love the most for having a daughter. Gusto ko ipakita na hindi ko ikinahihiyang anak ko siya. Nilagyan ko lang ng maliit na ribbon clip ang buhok ni Aki. Palabas na kami ng makarinig ako ng mga yabag at pagbukas ng pinto. 




"Mom, ano yang hawak mo?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang brown envelope na hawak-hawak niya.




"It's official you're my daughter now and this is the paper that will prove everything," rinig ko sa boses niya ang tuwa.




"Mommy, kahit wala pa ang papeles na yan hindi mababago no'n ang lahat. Ikaw pa rin ang mommy ko kahit na sino man ang nakasulat o naka-record sa batas na magulang ko pero thank you po for doing this." Inabot ko ang envelope na ibinibigay niya at agad itong binuksan. Bago na ang birth certificate ko ang magulang at maging ang pangalan ko. Rainne Ainsley Moore na lamang ang nakalagay at pangalan na ni Mommy ang nakalagay sa mother. Wala na akong middle name at wala rin akong father sa birth certificate ko.




"Let's go, baby," tinago ko na ang bago kong birth certificate at hinawakan sa kamay si Aki. Naglakad na kami patungo sa kotse kung saan naghihintay si Jeiah.




"Mommy, how about my other records? Yung diploma ko?" 

Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon