Chapter 10 ~ Flight ~

8 3 0
                                    

AINS' POV





Naghahanda na kami para sa flight namin, nakaayos naman na yung mga iuuwi namin sa Pinas pero alangan naman nakagown ako sa airplane. Saglit lang naman ang flight namin, if I'm not mistaken 1 hr and 30 mins ang flight. 9 pm ang flight namin so andon na kami ng mga 10:30.





"Ains, di mo sinabi samin na dean lister ka pala at magiging cum laude ka pa," sabi naman ni Mommy na siyang nagmamaneho ng sasakyan. 





"Oo nga gurl, di mo sinabi eh di sana hindi lang yang magic box regalo ko sayo," dugtong naman ni Tita.





"Ayos lang po happy na po ko sa natanggap ko. Saka di ko naman po alam na magiging cum laude ako. Sabi kasi sa amin nung last day of school, surprise announcement na lang daw tapos nagbigay lang ng clue na dean lister yung cum laude," paliwanag ko naman.





"Pero di mo sinabi samin na dean lister ka," sabi ni Mommy na may tonong pagtatampo.





"Mommy, ayos lang po yun, and I already received the most wonderful gift. It's you, Mommy, a mother that every child could ask for." Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nagmamaneho siya pero alam kong nakangiti siya ngayon. Ako lang naman kasi nakakapagpangiti sa kaniya ng ngiting parang wala ng bukas.





Lumipas lang ang ilang minuto ay nakarating na kami sa airport.





"Dito na tayo, magpalit muna kayo sa restroom. May 1 hour pa naman tayo so pwede muna kayo mag-ikot ikot pero siguruhin niyo na makakabalik kayo ng 8:30 ah." sabi naman ni tita. Bumaba na kami ni Jeiah dahil kaming dalawa lang naman ang magpapalit ng damit.





"Let's go, baby," pinagsalikop niya ang mga kamay namin.





"You know?" pambibitin ko. Huminto siya sa paglalakad at tumingin sakin.





"What?" tumaas pa ang kilay niya.







"Isa ka rin sa pinakamagandang regalong dumating sa buhay ko," napangiti lang siya. His own version ng smile. Masungit kasi itong lalaking 'to sa akin lang yata hindi.







"Ikaw talaga," tinaasan ko siya ng kilay tanda ng pagtatanong ko ng 'what'.







"Ang sweet-sweet mo," dugtong niya sa sinasabi niya kanina.







"Sweet lang?" 





"At ang cute-cute mo," dugtong pa uli niya.







"Cute lang?" muli kong tanong sa kaniya.







"At ang ganda-ganda mo,"







"Maganda lang?" pinisil niya ang pisngi ko. Mukhang nanggigigil na siya sa convo namin na walang katuturan pero kahit gano'n masaya ako kasi siya ang kausap ko.







"At bagay sa akin," nakuntento na ko sa sagot na iyon. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumakbo.







"Baby, wait,"





"Bihis muna tayo, chiya, my king," pagkasabi ko no'n ay agad na kong pumasok sa restroom.







Ilang minuto lang ay natapos na ako magbihis. Ngayon ay nakatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin. Nakasuot lang ako ng white crop top na pinatungan ko ng leather jacket at tight jeans na pinarisan ko ng color black boots na may 2 inches na takong. Nag-apply lang ako ng black eyeshadow at color pink na lip balm. Hindi kasi ako gumagamit ng dark color pagdating sa lips ko and bihira ako gumamit ng lipstick and liptint, lip balm ang lagi kong bitbit. 





Find Me, I'm Lost (OLD VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon