Hakbang 10

20K 495 622
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na magkaibigan sila kahit na noong naglalakad na kami palabas ng airport. Tatawa tawa ang magaling kong pinsan habang tinitignan kaming dalawa ni Zathrian.

Medyo kinakabahan pa nga ako dahil alam ko ang takbo ng utak ni Chalmer. He's not my cousin for nothing. Sa mga ngiti pa lang niya, alam kong may binabalak 'yan. Chalmer pa ba?

It's alright, though. Why would I be scared? It's not like Zathrian doesn't know that I like him. Kahit sabihin ko pa ulit, eh. Walang problema. I've done so many things already. Ngayon pa ba ako mahihiya?

"So you two are friends? Bakit hindi ko alam?" Ani ko noong nasa tapat na kami ng sasakyan.

"Malay ko sa'yo. Utak ko ba 'yan?" Tawa ng walanghiyang Chalmer na 'to.

I rolled my eyes at him. Narinig kong natawa rin si Zathrian kaya pati siya, inirapan ko. So they're really friends, huh? Pinagtutulungan ako!

"Malay ko sa'yo. May utak ka ba?" Balik ko.

"Graduated with flying colors, ehem. 'Di ba, pre?" Dinamay pa si Zathrian.

"Oo." Aniya at napapailing sa aming dalawa.

I pouted as I looked at him. I thought I won't be seeing him anytime soon. He's standing next to my cousin, looking effortlessly handsome. Napansin niya ang mga tingin ko kaya tumaas ang kilay.

Sarap niyang titigan talaga. Hindi nakakasawa.

Umayos ako sa pagkakatayo at humalukipkip. "Huwag mo akong yabangan. Hindi mo nga alam spelling ng pneumonia!" Ani ko sa pinsan at tumawa.

Nanlaki ang mata ni Chalmer at masama akong tinitigan. Sakit talaga ng katotohanan, 'no?

"Bata pa tayo noon, Hira!" Pagtatanggol niya sa sarili.

"Mama mo bata." Pang-aasar ko pa rin.

"Isusumbong kita."

"Magsumbong ka. Matutuwa pa 'yon sa 'kin kasi mukha naman talagang bata pa si Tita!"

"Cahira Hennessy..." Banta niya.

"Orozco?" Tawa ko naman.

Nanlaki ang mata nilang dalawa sa sinabi ko. Agad nga lang nakabawi si Zathrian at nakakunot noo akong tinignan.

"Joke lang! Unless you really want to change my surname, why not?" I chuckled.

He shook his head and rolled his eyes at me. Ngumuso ako at tinitigan siya. Umepal nga lang si Chalmer at pinitik ang noo ko. Hinawi ko ang kamay niya at naiinis na tinampal 'yon.

Kapag 'to iniwan ko sa airport, iiyak 'to. At lagot din ako. Kaya syempre hindi ko iiwan kasi ako ang mananagot kila Mama. Pasakayin ko na lang sa gulong. Ikot-ikot siya roon.

"Tara na nga!" Aniya at binuksan ang kotse ko.

Marahan niya akong tinulak papasok sa driver's seat. Agad niya rin iyong sinara at kinausap si Zathrian. Hindi ko sila naririnig kaya tinext ko na lang si Mama na nagkita na kami ni Chalmer. Noong nasend ko na, saktong pumasok ang pinsan ko sa shotgun seat kaya nagsimula na akong magmaneho paalis. I even looked at the side mirror to check on Zathrian. Kakapasok niya lang sa sasakyan niya.

I sighed and focused myself on driving. Mukhang hindi na naman kami magkikita.

Binuksan ni Chalmer 'yong stereo at nagpatugtog ng rock music. Didiretso na kami ngayon sa hotel na pag-aari nila Papa. He'll stay there for the mean time. Naroon na rin ang kotse niya na pinadala kanina galing sakanila. Their mansion is under renovation so he can't stay there. In the middle of it all, I decided to ask him some things.

Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon