Hakbang 41

18.5K 412 125
                                    

"Kapag tinanong ka kasi, sumagot ka nang maayos!" sermon ko habang ginagamot ang labi niyang nagdugo.

Suminghap siya nang napadiin ang dampi ko. I rolled my eyes out of frustration. I don't get him! Hindi naman mahirap sabihing hindi sila kasal pero nagkibit balikat pa siya! He's always denying it to me so I don't know why he's giving Arson an unsure answer?

I know he's pissed at him since then. Mula noong nangyaring trahedya sa mga Ciervo, galit na siya sa mga Alfarez. But I heard they settled it already. Bait galit pa rin siya?

I don't know Arson Alfarez that much but I know he's a good man. Hindi naman magugustuhan ni Vaia kung hindi, 'di ba?

"He doesn't deserve a proper answer." Aniya.

Tumaas ang kilay ko. "Bakit?"

He suddenly grew silent. Hindi agad siya nakasagot. Umawang ang labi niya na parang may sasabihin pero sa huli, bumuntong hininga.

"Hindi ako kasal, Cahira..." bigla niyang paglilinaw, iniiba ang usapan.

Naniniwala ako. Kung hindi, e 'di sana wala ako rito at ginagamot ang sugat niya. I believe him. I just don't understand why he acted that way towards Arson. He's keen on denying to everyone that he's married. Bakit sa lalaking iyon, ayaw niyang aminin nang maayos?

Is he, perhaps, hiding something?

Tinagilid ko ang ulo at iniling ang mga naiisip. I'm probably overthinking. It's just that... it's weird.

"Alam kong hindi ka kasal," tanging sinabi ko na lang.

I then focused on mending his lips. I was successfully doing it a few minutes ago because I was kinda fueled with irritation and curiosity, but now... 

Damn it!

Napapalunok ko habang tinitigan ang labi niyang malambot!

"Just clearing it out. I don't want you to doubt me..." his voice is raspy.

"Kung hindi ka nagkibit balikat, hindi ako magdududa kanina."

His hand suddenly snaked around my waist. He's drawing circles on it. I swallowed hard while I can feel my heart booming so loud.

Nanliligaw pa lang 'to, ah?

Ngumuso ako at hinayaan ang kamay niya roon.

"Sorry..." he whispered huskily while looking at me intently.

Grabe na ang kalabog ng puso ko. Idagdag pa na malapit kami ngayon sa isa't isa. Pakiramdam ko rinig niya...

Mariin akong lumunok at tumango sakaniya. I can't even look straight in his eyes.

Lately, hindi ko alam kung bakit parang lumipad lahat ng kakapalan ng mukha ko noon sakaniya!

"It's alright." I said and looked at his bruised lips instead.

At iniiwasan ko nga ang mata niyang namumungay kung makatingin, napunta naman ngayon sa labi niyang namumula at ang lambot tignan!

Nakakainis! Calm the fuck down, Hira!

To avoid his eyes and lips for a while, kumuha ako ng cotton buds at nilagyan ng cream para sa sugat niya. Nang binalik ko ang tingin, ganoon pa rin ang pwesto at tingin niya sa akin. I pouted a bit before mending his lips again.

Marahan ko 'yong dinampian ng gamot. Kanina, nanghingi na kami ng yelo sa mga tauhan niya rito kaya medyo nawala kaunti ang pamamaga. Solid din sumuntok no'n ni Arson, ah?

I tried to focus again and not think of his... soft and red lips. However, he is such a tease!

He licked the other side of his lips! Natigilan tuloy ako at hindi na naman nawala ang tingin sa labi niya!

Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon