I already lost Achki. I can't lose Kiara! Hindi ko na kakayanin! Alam kong hindi ko na kakayanin kapag si Kiara naman ang nawala sa akin!
Please... parang awa Mo na. Hindi pa ba sapat lahat ng sakit na ibinato at ibinabato Mo pa sa amin?
I will lose my mind if I lose her! I am even barely surviving right now! I can't... I just can't.
"Kiara, hold on, please... Malapit na tayo sa hospital..." umiiyak kong sabi habang hawak ang kamay niya.
Her blood is already on my hands. Ang hirap tignan ni Kiara na nahihirapan din sa sitwasyon niya. Parang binabaril ako ng paulit-ulit dahil sa sakit. If I can just take her pain, I will...
Tutal puro sakit naman ang ibinato sa akin, ibigay na lang din sa akin 'to kaysa mawala ang bestfriend ko!
I don't want to think that I'll lose her but everytime I'll remember how we lost Achki... it scares me. Ganito rin 'yon. Nabaril din siya.
"Pakibilisan, please!" umiiyak kong sigaw dahil kitang kita kong nahihirapan si Kiara bawat minutong lumilipas.
Kanina, nang narinig namin ang mga putok at nang bumagsak si Kiara, wala akong pake kung mabaril man basta iniharang ko ang sarili sakaniya. The guards covered us and they immediately helped me to lift Kiara inside the car, so we can bring her to the hospital. Katabi namin ngayon ang isang bodyguard na pinipigilan ang pagtulo ng dugo sa kung nasaan ang tama ng bala.
Alam kong si Lucianno Orozco ang salarin nito pero ayaw ko munang isipin 'yon! The only thing I want right now is for Kiara to be fine!
Please, I can't lose her.
Achlys, kung makikita mo riyan si Kiara... sabihin mo naman huwag muna siyang sasama... kasi kapag oo, ang daya niyo namang dalawa? Iiwan niyo ako?
"H-Hira..." she called me, struggling to even say a word.
Hinaplos ko ang kamay niya. "Yes? I'm here, Kiara... Hold on a little more," iyak ko.
She groaned in pain. My lips trembled in fear.
"I-Ivor..." her tears fell.
Tumango ako at agad na kinapa ang cellphone. My whole body is shaking in fear and pain. Ni hindi ko mapindot nang maayos 'yon dahil bukod sa nalalagyan ng dugo na galing sa kamay ko, grabe pa ang panginginig ko.
"I'll call him, okay? Ito na, Kiara..." tumango tango pa ako sakaniya.
I tried my best to stop myself from trembling so I can contact Ivor. I was about to call him when Kiara held my hand.
She smiled. A painful one. Dahil kasabay nang pagngiti niya ay ang pagtulo rin ng luha niya.
I didn't like the way she smiled at me.
"J-Just..." she groaned. "Just t-tell him I'm... sorry..."
Umiling agad ako, hindi tinatanggap ang mga sinasabi niya. Ayaw ko na sinasabi niya 'to! It sounds like she's saying goodbye!
No! Please, no!
"Kiara, don't say that! Makakausap mo pa si Ivor! Don't apologize!" mariin kong iyak at nilingon ang driver. "Wala na ho bang mas ibibilis pa ang sasakyan?!" sigaw ko na.
Hinatak ni Kiara ang kamay ko kaya napalingon ako sakaniya. She's still smiling like that!
"H-Hira..." she gripped my hand using her remaining strength. "You have to tell him... that I'm... s-sorry..."
"W-Why?" nanginginig kong sabi.
Her tears fell again. She then guided my hand, and my mouth dropped when I realized what she's saying. Pati 'yong guard, kita ko ang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)
RomanceCahira Balviera refused to let the wounds of her past extinguish the flame of hope in her heart. Even after everything, she knew that love still existed. And on that fateful night at the revelry, as she was about to bottoms up her drink and forget a...