Hindi ko alam kung nabingi ba ako, mali lang ng pagkakarinig, o talagang totoo lahat ng 'to.
Parang gumuguho ang mundo kong akala ko... unti-unti nang umaayos. Parang sinubukang buuin 'yon para lang durugin nang pinong pino.
My mother... was violated?
My Mama... who has been nothing but a good mother to me and a good person to everyone around her... was violated?!
Gusto kong ipagkait na hindi totoo 'to at nananaginip lang ako, pero ngayong nakikita ko siyang mas wasak pa kaysa sa kung ano mang nararamdaman ko, mas nagiging totoo lang ang lahat.
She was indeed... violated...
And it breaks me so... but I know, she's breaking more.
"M-Ma..." panay na ang pagtulo ng luha ko habang nakaluhod sa harap niya.
She didn't talk anymore. Instead, she cried more. Pinupunasan niya pa ang katawan gamit ang kamay na para bang sa ganoon, mawawala lahat ng bakas ng ginawa sakaniya.
Ang sakit sakit makitang ganito si Mama...
Nanay ko 'yan, eh. Mama ko! All my life, she was the only person who never left my side. She protected me from all the possible pain this world can give me.
Tapos ngayon, hindi ko siya naprotektahan? Hindi ko man lang siya... naprotektahan?
"M-Ma... Mama..." tawag ko, humihikbi bawat salita. "Sino po... ang gumawa sa'yo nito?" pinilit kong tapusin ang pangungusap.
Kailangan kong maging malakas kasi kung pati ako manghihina, paano si Mama? Sino ang magiging malakas para sakaniya?
Ako lang ang mayroon siya, eh. At sisiguraduhing kong hinding hindi ako mawawala. Lalo pa ngayon. Lalong lalo ngayon.
Nag-angat ng tingin sa akin si Mama. Mugtong mugto ang mga mata niya, pulang pula ang ilong, at nanginginig ang labi. One look at her, I know she's beyond devastated. Her eyes are full of sorrow, pain, fear, and anger. No matter how much I would try to find the right words, I know there's none to describe whatever she's feeling right now.
"L-Lucianno..." tumigil siya saglit para umiyak ulit. "Lucianno O-Orozco..." she said, now more clearer.
Marahas akong lumunok kasabay nang pagtulo ng panibagong luha. I know I perfectly heard her right when she said it first to me... but my mind just couldn't accept everything I'm hearing.
Hinding hindi ko kailanman matatanggap kung bakit kailangan mangyari 'to sakaniya.
At si Tito Lucianno? Siya... ang may gawa nito?
Ang tito... ng boyfriend ko?
I suddenly remember the times I've been with him. Kapag dumadalaw kami sa mansion nila Zathrian sa Forbes, naroon siya at mabait lagi ang pakikitungo sa akin. He never showed anything bad to me. In fact, whenever we're there... we're kinda close to each other.
Nirerespeto ko siya dahil bukod sa pamilya ng boyfriend ko, siya rin ang tumayong ama ni Zathrian. He was his father figure because Tito Lucho, Zathrian's father, was never really there.
Alam ko rin na kilala niya si Mama dahil regular customer siya sa optical. Hindi pa nagsasama ang pamilya ko at pamilya ni Zathrian sa iisang lugar dahil tuwing holidays, hiwalay kaming dalawa. Siya sa pamilya niya, ako kay Mama at Papa. Despite that, our families supports our relationship. Kahit si Papa, wala ng problema.
Tapos ngayon, malalaman kong ginawa niya 'to kay Mama?! Lahat ng kabaitang pinakita niya sa akin, naglaho na. Sabagay, sino nga bang demonyo ang aaming demonyo siya? Magpapanggap pang anghel ang mga 'yan!
BINABASA MO ANG
Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)
RomanceCahira Balviera refused to let the wounds of her past extinguish the flame of hope in her heart. Even after everything, she knew that love still existed. And on that fateful night at the revelry, as she was about to bottoms up her drink and forget a...