Sa totoo lang, muntik na akong sumuko.
I couldn't believe that life can give this much pain to me, and to the people around me. I know there's no such thing as easy... but I didn't know that living can be this hard and painful. I didn't know that living... could also feel like dying.
Akala ko noon na iyong mga pinagdaan ko sa relasyon, ay ang pinakamasakit at nakaka-traumang nangyari sa buhay ko. I thought that the constant cheating and gaslighting I've received from my ex was already the most painful thing that happened to me.
Hindi pala. Patikim pa lang pala 'yon ng tadhana sa akin. Dahil habang iniisip ko ngayon, walang wala ang sakit noon... sa sakit ngayon at sa susunod pang bukas na gigising ako.
I don't understand why this should happen. Para saan? Para ba mas maging malakas at matatag kami? Anong leksyon ang ituturo nito bukod sa sakit na gabi-gabi akong hindi pinapatulog?
I almost gave up... I want to give up...
But I need to fight.
Doon ko mas nalaman kung ano ang kaibahan ng kailangan sa gusto mo lang.
I tried my best to fight for my Mom's justice, and also for Kiara's justice. Nilaban ko sila dahil kailangan at gusto ko. Hindi ako natakot kung sino ang mababangga ko sa politika. Wala na akong pakialam kung makapangyarihan sila.
My pain made me fearless.
But at the end of the day, when I'm lying on my bed, I asked myself...
Sino namang lalaban para sa akin?
Tuwing gabi, lagi kong naalala kung paano siya naglakad palayo sa akin. Kung paano niya ako tignan noong huling gabing nagkausap kami. Kung paano niya ako niyakap. Kung paano niya sinabing mahal niya ako. At kung paano niya ako hinawakan.
Kahit masakit, pilit kong inaalala dahil 'yon na lang ang mayroon ako. He's the only man who made feel me the love I deserve.
Akalain mo 'yon, si Zathrian na hindi marunong magmahal, ang siya pang nagparamdam sa akin kung ano talaga ang pakiramdam ng pagmamahal...
I love him so much. Mahal na mahal ko siya. Nilaban niya ako... Siya na lang 'yong lumalaban para sa akin pero kinailangan ko pang bitawan at pakawalan.
There are nights when I just wanna be selfish and be with him. Gusto kong umuwi sa condo namin. Gusto ko siyang tawagan. Gusto kong sabihing huwag niya akong iiwan.
I just wanna continue the life we had. I just wanna lay beside him while we wait for our planned future together. I miss him so much. I miss every bit of my life with him...
At sa mga gabi noon na siya ang yakap ko... sulat niya na lang ang yakap ko bawat gabi ngayon.
I've already memorized his letter. Every night, I read it. Every night, I'd smile painfully and cry silently for the love I only want... but also the love I need to drop.
May mga gabing nagmamakaawa ako para sa isa pa ulit na limang minutong kasama ko siya. Kahit limang minuto na lang. At kada gising ko, hindi ako pinagbibigyan.
Sa huli, isinantabi ko na lang ulit muna ang sarili. Saka ko na babalikan ang sariling sakit kapag maayos na ang lahat. Sila muna. Sila Mama at Kiara muna...
I didn't drop the case. No matter how many death threats I've received, I didn't drop it. Even if the media and the people didn't believe us, I pushed through it.
I will get them justice... no matter what it will cost me.
Eleven months... Eleven months ang tinagal ng paglilitis laban kay Lucianno Orozco. Labing isang buwang pagtitiis ng sakit, death threats, at panghuhusga ng mga taong hindi naniniwala sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/235108035-288-k919896.jpg)
BINABASA MO ANG
Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)
RomanceCahira Balviera refused to let the wounds of her past extinguish the flame of hope in her heart. Even after everything, she knew that love still existed. And on that fateful night at the revelry, as she was about to bottoms up her drink and forget a...