"What did you say? Mas gwapo ka?" natatawa kong sabi pagkapasok namin sa sasakyan niya.
Imbes na alalahanin ang pagkabadtrip ko kay Kyler na ang kapal ng mukha para sabihin gusto niyang magkabalikan kami, natatawa na lang ako ngayon sa naging reaksyon ni Zathrian. Mind you, he seems really sure and serious when he said that!
Mas gwapo raw siya! Totoo naman pero nakakagulat lang na sinabi niya 'yon! Hindi tuloy mawala ang ngiti ko ngayon habang siya, halos hindi ako tignan habang nagmamaneho.
Masyado na ata 'tong nakadikit sa 'kin na pati kakapalan ng mukha ko, nahawaan na siya!
Mas gwapo raw! Sus... hindi naman. Hindi naman siya nagkakamali!
"Mas gwapo ka nga?" pang-aaasar ko ulit.
He scoffed and rolled his eyes. Mas natawa tuloy ako kasi nagsusungit na naman ang isang 'to! I'm already used to him, though.
"Why? You don't agree?" he asked coldly.
Mas nalaglag tuloy ang panga ko! Sandali, kailangan kong pulutin! At talagang pinapanindigan niya nga na mas gwapo siya!
"Anong pinupulot mo?" tanong niya noong yumuko ako, tila may hinahanap sa ilalim.
He even stopped the car so I won't have a hard time picking it up. 'Di niya alam, non-existent naman 'tong pinupulot ko.
"Panga ko. Nalaglag sa mga pinagsasabi mo, eh!" tawa ko at kunwaring may pinulot sa hangin at kinabit sa mukha.
He rolled his eyes and shook his head. "Crazy..."
I laughed and sat properly. Nagsimula na ulit siyang magmaneho. I watched him as he drives. Ang gwapo talaga niya... ilang beses ko pa kayang masasabi 'yan? Ngumiti ako at bumuntong hininga.
"Bumalik na 'yong ex ko..." umpisa kong pagkukwento.
Bumagal ang takbo namin dahil medyo sumisikip na ang daan dahil sa traffic. I was staring straight outside and I saw him looked my way. Nilingon ko rin siya at nagtama ang tingin naming dalawa.
I'm not sure but I quickly saw a glimpse of fear in his eyes. Maybe it's just my imagination.
"He's asking you back," he said and looked away.
Tumango ako dahil 'yon ang totoo. Narinig din naman niya kanina ang sigaw ni Kyler. Sana lang at wala ng ibang nakarinig no'n dahil pagod na ako sa issue.
"Yeah. He is..." I said and smiled bitterly.
My past will never not hurt me. Sa tuwing naiisip ko 'yon, hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Pinagdaanan ko pala 'yon? Nagtiis pala ako sa ganoon?
"Babalikan mo?" aniya gamit ang malamig na boses.
"You want me to?" balik kong tanong.
The car stopped because of the traffic light. He then looked at me straight in the eye. I've never saw someone's eyes as beautiful as his.
"It's your decision," kabit balikat niya.
And the kibit balikat king is back!
"Pero kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang bumalik ako?" tanong ko.
"No." he said straightforwardly.
"Why?"
Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "You deserve better, Cahira," he said.
Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin dahil medyo kinikilig. Naging orange na ang traffic lights at bago pa man maging green 'yon at tuluyan kaming umandar, nagsalita ako.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)
RomanceCahira Balviera refused to let the wounds of her past extinguish the flame of hope in her heart. Even after everything, she knew that love still existed. And on that fateful night at the revelry, as she was about to bottoms up her drink and forget a...