Hakbang 36

17.8K 437 162
                                    

"You're delusional," I said to save face and deny the tattoo, even though it was the truth.

I just... don't want him to know. What's the need for him to know, anyway?

Hindi ko pinagsisisihan 'yong tattoo. Siguro noon, may mga pagkakataong nagsisi ako lalo na nang nabalitaan kong kasal na siya. But it was already on my skin, and I don't want to keep on regretting it.

Noong pinagawa ko 'yon, sigurado ako. Maliit nga lang ang tattoo kaya nagulat akong nakita niya pa! Ang talas naman ng mata niya?

Sure, anyone will notice my tattoo but it's hard to read it since it's really small. How come he knew right away?

"I have a tattoo, yes, but it's not your name." I said again to prove a point, and to make it seem like I'm telling the truth.

Sabi nga nila, fake it until you make it.

But he doesn't seem to buy it. He sipped on his glass first before looking back at me.

"I've seen it, Cahira." His hoarse voice sent shivers down my spine.

Saktong dumating ang order kong Margarita kaya agad akong uminom doon, nag-iiwas ng tingin sakaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapaniwalang hindi niya 'yon pangalan. He seems so sure of what he saw.

Nawala talaga sa isip ko kanina na posible ngang makita niya ang tattoo, lalo pa at naka-bikini ako! I have it for years now and I've never tried to hide it from anyone.

Pero siyempre, ibang usapan kapag si Zathrian.

"Namamalikmata ka lang. Bakit ko naman ipapa-tattoo ang pangalan mo?" taas kilay kong tanong.

He smirked. There's no trace of humor in it.

"Bakit nga ba?" taas kilay din niyang sabi.

Nagtiim bagang ako at mariin siyang inirapan. Gusto kong umalis at iwan siya rito, pero ayaw ko ring isipin niyang tinatakasan ko ang tanong.

I will never admit that I have his name on my skin!

"I don't have your name etched on me. Sino ka ba? Ex lang kita."

He tilted his head and licked his lips. Binalik ko ang tingin sa basong hawak dahil tila napapaso sa mata niya.

"Prove it to me, then." He said huskily.

"Wala akong dapat patunayan sa'yo."

"I saw my name. I'm sure of it."

"I said it's not your name! Bakit ba ang kulit mo? Balat mo ba 'to para magdesisyon ka kung ano ang tattoo ko?!" pagalit kong sabi.

Imbes na matakot siya, parang mas natuwa pa sa nakuhang reaksyon. He seems amused of me!

"If you say so," he smirked.

And here comes his kibit balikat again! Ang lalaking ito! Hindi na natapos sa kibit balikat niya!

Matalim akong umirap at inubos ang Margarita. I can feel his stares at me. Kita ko rin ang tingin ng ibang taong nakakakilala sa amin... o sakaniya.

Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon