CJ Vasquez's POV
This story is not like a typical story you have read na may lalaki at babaeng nagmahalan, naghirap but in the end, nagkaroon ng happy ending.
Kung nabasa mo na lahat ng mga istoryang may happy ending, don't expect na magiging katulad 'to sa mga nabasa mo. Expect the unexpected, ika nga.
Paano ko ba sisimulan 'to? Sige, ganito na lang. Uumpisahan ko 'to sa pahayag na, “lahat ng tao mapanghusga”.
Oo, tama ka ng binasa. As in lahat, walang exemption. Huhusgahan at huhusgahan ka nila even your family na in-e-expect mong maiintindihan ka.
Wala silang pinagkaiba sa mga taong mahilig lang pumuna ng kamalian ng iba ngunit bulag pagdating sa sarili nila.
Nakakatawa ano? Kung makapagsalita akala mo sino ng mga santo. Akala mo sino nang perpekto. Packing tape lang!
Lilinawin ko lang ha. Ako ang bida sa kwentong ito, hindi sila. Siguro iniisip ng iba kung paano humantong sa ganito ang buhay ko ngayon?
Bakit nga ba? Dahil ba sa masaya ako sa kung ano ang pinili ko o dahil hindi nila matanggap ang buhay na ginusto ko?
Minsan hindi naman talaga 'yong sarili natin ang problema, kundi nasa mga taong gustong nakikita tayo na naayon sa kagustuhan nila. Pambihira! Sila pa ang naunang magdesisyon para sa sarili nating buhay.
Teka, andami ko na atang intro. Ang dami pang satsat, eh. Oo na, ito na!
Bago ko nga pala tuluyang makalimutan, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si CJ Vasquez, at ito ang aking kwento.
Ordinaryong estudyante lang naman ako, normal na tao at huminga. Sa madaling sabi, walang kakaiba.
Sa awa ng Diyos nasa ikalawang taon na sa kolehiyo. Sabi nila, high school life daw ang pinakamasayang pangyayari na mararanasan ng isang tao habang nag-aaral. Medyo hindi ako kumbinsido ro'n.
Aaminin ko, naging easy-go-lucky ako ngayong college dahil nakamit ko na ang kalayaan na hinahangad ko. Kasama ako sa mga estudyanteng kalog, mahilig, mantrip, at joker.
Hindi lang halata sa pagmumukha ko dahil seryoso at inosente ako tingnan pero maniwala ka dahil ako na mismo ang nagsabi.
Naging masaya naman ako noong high school ako. Ang totoo n'yan, marami akong memories na hindi makakalimutan noong mga panahon na 'yon pero ayokong iconclude na iyon na ang pinakamasaya kasi kagaya nga ng sinabi ko... may college pa.
Katulad ng ibang mga estudyante, naramdaman ko rin 'yong awkward na feeling sa unang araw ko sa college.
Wala kasi akong kaklase ngayon sa college na naging kaibigan ko noong high school. Wala rin ako ni isang kakilala sa school na 'to kaya nahirapan talaga akong mag-adjust.
May mga naka-close din naman ako kaagad a week after kaso kakaunti lang. Sa awa ng Diyos, natapos ko ang unang taon ko sa college na walang gaanong naging problema.
Wala pa. Dahil dumating lang naman, noong second year na. Nadagdagan naman kahit papaano ang mga kaibigan ko at napalapit na kami sa isa't isa. Masasabi kong sila ang mga taong tinuring ako bilang isang kapamilya.
Crush? Marami ako dati kaso pag-aaral muna. Naks! Time out muna ako riyan. Kagagaling ko lang sa sakit— sakit sa puso!
May mga natitipuhan din ako kaya lang karamihan sa kanila taken na. Ano pa ba? As usual, every semester, madaming returnee, transferee at shiftee.
Hindi ko alam na sa isang transferee na palang ito iikot ang buhay ko, ang buong college life ko!
Ikukuwento ko na ba? Paulit-ulit tayo, ano? Sige na nga, eto na.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
RomanceHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...