CJ's POV
Hindi ko na maintindihan kung ano ng nangyayari sa buhay ko. Tahimik naman 'to dati ngunit sa isang iglap biglang ganito na.
Maghapon akong tumambay sa library. Pumunta na rin ako sa clinic dahil pakiramdam ko, para akong lalagnatin ngayong araw.
Pag-uwi ko sa bahay, tinanong ako ni Ate Haley kung bakit parang hindi raw ma-drawing ang mukha ko. Hindi na lang ako umimik at dumiretso na lang sa kwarto ko.
Gusto ko kasing mapag-isa muna at makapag-isip isip. Maya-maya pa ay tinawag niya ako para kumain ng hapunan.
Saka lang ako nagdesisyong buksan ang cellphone ko nang makabalik ako sa kuwarto. Hindi na ako nabigla sa sunod-sunod na texts na natanggap ko. Hindi na rin ako nagtaka kung kanino galing 'yon dahil wala namang ibang gumagawa no'n kundi si Lawrence lang.
Ang mas ikinagulat ay ang nag-iisang text sa akin ni Ate Haley.
So nililigawan ka nga ni Lawrence.
Napakunot ako ng noo. Saan naman niya nasagap 'yang tsismis?
Sino'ng may sabi? reply ko kahit nasa sala lang siya.
Si Faye, ate niya. Magkaklase kami. Ehem!
Nang-aasar pa. Hindi ko na siya ni-reply-an dahil alam kong kukulitin na naman niya ako ulit kapag nagkausap kami. Para siyang si Lawrence, pareho silang ipinaglihi sa kakulitan.
Sinilip ko siya sa sala at nakita kong busy siya sa paggawa ng assignment niya. Magkaiba kami ng school. Sa private school siya nag-aaral at ako naman sa public.
Pinakiusapan ko lang sila na sa public school ako mag-aral. Tahamik sana ang buhay ko kung hindi lang dahil kay Lawrence na bigla-bigla na lamang binulabog ang nananahimik kong mundo. Sa tatlong taon ko sa high school ngayon lang ako nagkaproblema ng ganito.
Binasa ko lahat ng text ni Lawrence sa 'kin. Mga quotes lang naman 'yon tapos 'yong iba mga personal message niya.
Maya-maya pa ay pumasok na si Ate Haley at kagaya nga ng sinabi ko kanina, kinulit lang naman niya ako nang kinulit.
Nabanggit ko na rito dati na si Ate Haley lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao kaya gano'n na lang niya ako kung asarin. Kinuwento ko na rin sa kaniya kung paano nagsimula ang lahat at pinabasa ko na rin sa kan'ya lahat ng mga texts niya sa akin para naman matahimik na siya.
"Pure naman ang intension sa 'yo ni Lawrence, ah? Bakit 'di mo na lang siya pagbigyan? Malay mo may magbago pa." Napataas ako ng kilay. Magbago?
"At saka mabait naman daw siya sabi ni Faye. Matagal ka na rin daw na kinukuwento ni Lawrence sa kaniya," nakangiti niyang saad.
"Marami namang nagkakagusto sa kaniya sa campus bakit 'di na lang sila ang patulan niya?" Iyon na lang ang nasabi ko.
"Kasi nga ikaw ang gusto niya," sagot naman niya.
Napapikit na lang ako at napasabunot sa sarili. "Magkakagusto na lang siya sa maling tao pa."
"So... ano na'ng gagawin mo?" tanong niya.
"Hindi ko alam," tipid kong sabi.
"Bakit kasi hindi mo subukan? Malay mo kayo pala ang para sa isa't isa," suhestiyon na.
Hindi na ako nagsalita pa. Nagpanggap na lang akong tulog na para hindi na niya ako kulitin.
Kinabukasan, na-late ako ng gising. Nandito na naman ako sa sitwasyon kung paano ko iiwasan si Lawrence kahit alam kong malabong mangyari 'yon.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
RomanceHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...