Napapikit ako nang maramdaman na parang hinahati sa dalawa ang ulo ko. Sobrang sakit! Nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ako ngayon o hindi. Tiningnan ko ang cellphone ko para magbasa ng mga text messages.
Punta kayo sa bahay, after uwian. See you! Iyon ang laman ng text sa akin ni Daisy.
Ano bang meron? Nasapo ko ang noo ko nang maalala kong birthday nga pala niya. Mamaya ko na lang siya babatiin. Gusto ko kasi na ako ang palaging nahuhuling bumati kapag nagbibirthday ang mga kaibigan ko. Sana lang hindi ko 'yon makalimutan dahil yari na naman ako sa kaniya 'pag nagkataon. Ilang linggo na naman niya akong hindi kakausapin. Hahaha.
Matamlay akong pumasok sa school. Pagpasok ko, napatingin ako sa may hulihan. Nandito na pala silang lahat. Kausap nila 'yong babaeng ayaw ko na sanang makita. Wow ah! Close na pala sila. Sana all.
"What's up?" tanong sa 'kin ni Vince. Tumango na lang ako saka umupo ng tahimik. Hindi kasi maayos ang pakiramdam ko. Fifteen minutes pa naman bago magstart ang klase kaya yumuko muna ako para umidlip.
"CJ, okay ka lang?" tanong ni Kiara. Tumango na lang ako. Napakunot ang noo niya nang hawakan niya ang leeg ko.
"Mainit ka ah. Masakit ba ang ulo mo? Te'ka, ihihingi kita ng gamot sa clinic." Hinawakan ko na lang ang kamay niya para pigilan siyang umalis.
"Huwag na. Lalayas lang 'to maya maya," wika ko.
Narinig ko silang nagtawanan sa likuran. Inisip ko na lang na may ikinukuwento na naman sigurong kalokohan si Vincent.
"Bakit?" dinig kong tanong ni Eunice sa kaniya.
"Siya kaya ang tanungin mo. Bakit nga pala naging interesado ka bigla?" Kahit ako nakaharap kay Vincent, alam kung umabot na naman ang ngiti niya sa tainga dahil sa tono ng pananalita niya.
"Tinatanong ko lang, hindi naman ako interesado," sagot naman ni Eunice.
"Malalaman mo rin 'yon. Iyon ay kung close na kayong dalawa, hahaha," saka sila tumawa ulit. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko na lang pinansin.
Pagkatapos ng unang subject namin, mathematics na 'yong sumunod. As usual, wala si ma'am pero nag-iwan ng gagawin. Ano ba 'yan? Nakalimutan ko na namang dalhin ang ballpen ko. Nakakaasar lang kasi kung kailan ko kailangan, saka naman wala. Tumayo ako para puntahan si Daisy sa likod, sa kaniya na lang ako manghihiram.
"Daisy, puwedeng pahiram ako ng ballpen? Naiwan ko kasi 'yong akin."
"Si Eunice meron," sabat ni Jhonas.
"Hiniram na ni Jhonas ang isa, sorry," sagot naman niya.
"Eto na muna oh, ako na lang ang babalik nito sa kan'ya." Inabot na sana sa 'kin ni George ang ballpen na hiniram niya kay Eunice kaya tinanggihan ko.
"Huwag na. Maghahanap na lang ako," tugon ko. Bago ako tumalikod, narinig ko siyang nagsalita.
"Ang taas naman ng pride niya, ballpen lang naman eh." Napahinto ako nang sabihin niya 'yon. Isaksak ko kaya sa baga niya 'yang ballpen niya. Bwisit!
Hindi ko na lang siya pinatulan. Bumalik na lang ako sa upuan ko kasi pinahiram naman ako ni Kiara ng ballpen niya no'ng matapos na siya.
Gano'n lang ako hanggang uwian. Napansin yata nilang tahimik ako kaya ako na naman ang ginulo nila.
"CJ, tahimik ka yata," wika ni Vincent.
"Ewan, may engkanto yatang umaali-aligid sa kwartong ito." Iyon na lang ang sinabi ko. Nilapitan kaagad ako ni Kiara sabay pinulupot ang braso niya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
RomanceHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...