Chapter 11

255 62 0
                                    

Tatlong araw ang lumipas simula nang dumalaw ang mga baliw kong kaibigan sa boarding house namin. Kinabukasan no'n, pumasok na ako. Wala namang kakaibang nangyari no'ng mga sumunod na araw. Sabay-sabay pa rin kaming kumain sa canteen tuwing tanghali.

"Hi babe. Kumain ka na ba? Sorry kung hindi ako tumawag kaagad, busy kasi kami rito eh." Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya.

Tama ang nabasa niyo. Babe ang tawagan namin ng girlfriend ko. Naging mabilis ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw kaya hindi niyo 'ko masisisi.

Alam kong may ideya na kayo kung sino ang tinutukoy ko. Nagkausap kami no'ng araw na 'yon. Alam kong itatanong ng iba sainyo kung bakit hindi man lang namin pinaabot ng months at years upang kilalanin ang isa't isa? Sa tagal ba ng panliligaw nasusukat kung tatagal kayo o hindi? Hindi naman 'di ba?

Lilinawin ko lang na hindi siya easy to get na babae. Nagkataon lang siguro na pareho kaming interesado sa isa't isa at masaya kami kung ano ang meron sa amin ngayon. At saka hindi porke't kami na, hindi na ako mag-eeffort nang sobra sobra para sa kaniya. Ginagawa ko pa rin ang lahat para lang sumaya siya.

Kahit sinabi niya sa aking hindi na niya ako pahihirapang manligaw, sa ibang paraan naman ako bumabawi sa kaniya. Palagi kong pinaparamdam sa kaniya na karapat-dapat siyang mahalin at alagaan. Katulad ngayon, simpleng kamustahan lang, masayang masaya na kami. Gano'n talaga siguro kapag pareho wasak na puso ang pinagtagpo. Sabay ninyong tutulungan ang isa't isa na humilom ang sugat at muling mabuo.

"Tapos na po babe. Ikaw din po, kumain ka na rin diyan. Kumusta araw mo? Parang napagod ka yata kanina. Magpahinga ka muna riyan," malambing na tugon ko.

"Opo babe. Nakahiga na nga ako eh. Sobrang nag-enjoy talaga ako sa activity natin kanina kasi magkagrupo tayo," natatawang saad niya.

"Lalo naman ako. Ang cute mo nga kanina habang ginagawa 'yong task." Corny man pakinggan pero totoong nasa kaniya ang atensiyon ko no'ng mga oras na 'yon.

"Babe naman eh, pinaalala mo pa 'yong kapalpakan ko kanina." Kahit 'di ko siya nakikita alam kong ngumuso na naman siya. Palagi niya kasing ginagawa 'yon, haha.

"Hindi ah, ang cute mo nga kanina habang tinititigan kita." Pambihira, kahit ako kinikilig sa sarili kong banat eh.

"Kanina lang?" Ayan, nagtampo pa lalo, haha.

"Palagi siyempre, hehe."

"Marami ka bang katext bago ako tumawag?" Nagulat ako sa tanong niyang 'yon. Napansin niya siguro kanina na palagi akong napapasulyap sa cellphone ko minu-minuto.

"Okay sasabihin ko, pero 'wag ka sanang magagalit." Mabuti ng maging honest ako sa kaniya 'di ba?

"Sige po. Promise," sagot naman niya.

"Nagtext sa 'kin sina Kiara, Gia, at Hanna kanina," sambit ko.

"Ah, hehe. Ano ka ba? Okay lang sa 'kin basta kilala ko," wika niya. "Ah babe?"

"Yes po?"

"Naiisip mo pa ba si Janice?" Pakiramdam ko biglang uminit ang buong kwarto ko. Simpleng tanong lang naman 'yon pero bakit niya naisipang isingit 'yon habang nag-eenjoy kaming kausap ang isa't isa?

Ngayon ko lang naalala ulit na in-add nga pala niya ako sa facebook at hanggang ngayon, 'di ko pa rin kino-confirm.

"H-hindi na. Minsan na lang pero 'di na gano'n kadalas." Potek! Ano bang klaseng sagot yan, CJ? World War II na naman ba 'to?

Pinakiramdaman ko siya sa kabilang linya dahil tumahimik siya bigla. "Babe, sorry na oh. Sinagot ko lang po 'yong tanong mo. Sorry— " Naputol ang pagpapaliwanag ko nang magsalita siya ulit.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon