Chapter 1

412 86 2
                                    

"Likes and dislikes," wika ni Daisy habang nakatingin sa slam book na isinauli ko sa kaniya. Binabasa kasi niya 'yong mga sagot ko roon sa mga weird niyang tanong at nahihiya ako dahil sa harapan ko pa talaga naisipan niyang magbasa.

Ewan ko ba kung bakit uso pa sa kaniya ang ganito dahil sa pagkakaalam ko, elementary at high school students lang ang gumagawa nito. Nako-cornyhan ako rito sa totoo lang ngunit pinagbigyan ko na lang siya sa trip niya, hahaha.

"Dito muna ako sa dislikes, mga babaeng pabebe. Oo, nga naman," tapos tumango-tango pa siya. "Kahit ako ayaw ko rin sa ganiyan. Ang aarte hindi naman magaganda," dagdag pa niya.

Pasimple akong natawa sa sinabi niya. "Eh 'di naiinis ka rin sa sarili mo?" pigil-tawang tanong ko.

"Hoy, 'di ako pabebe ah. At saka bagay naman sa 'kin kung sakaling gano'n ako. Ang cute ko kaya," depensa niya.

Cute nga siyang babae. Para lang malinaw, pabebe rin pero 'di naman ako galit sa kaniya. Hindi naman niya ginagawa araw-araw, kaya ayos lang.

"Daisy, 'wag kang maingay d'yan. Nagre-review 'yong tao eh." sigaw ni Jhonas, kaibigan din namin.

"Review mo mukha mo. Natutulog ka lang eh." sigaw naman niya pabalik.

"Anong natutulog? Nakita mong nagbabasa ako rito ang ingay-ingay mo."

Huwag kayong mag-alala. Ganiyan maglambingan ang dalawang 'yan, nagsisigawan. Normal na sa kanila ang ganiyan kaya sanay na kaming magkakaibigan sa trip nila.

"May nagbabasa ba na pabaliktad ang hawak sa libro?" Nagulat ako nang ibinato niya kay Jhonas ang notebook na nakalapag sa armchair niya. Saktong tumama iyon sa labi ni Jhonas at nakita kong nagulat din si Daisy.

"Hoy sorry! Okay ka lang ba? Hindi ko sinasadya, ikaw naman kasi eh." Muntik pa akong matawa dahil sa reaksyon ni Daisy. Isisi ba naman kay Jhonas ang ginawa niya? Hahaha.

"Grabe! Parang ako pa ang may kasalanan. Ako na nga 'tong naagrabyado." pag-aarte ni Jhonas.

"Sa nabigla nga ako. Ikaw kasi eh." Inarapan ni Jhonas si Daisy kaya tiningnan niya ito nang masama. Isang araw na namang hindi magpapansin ang dalawang 'to.

Oo, isang araw lang. Matagal na 'yon para sa kanila. Hindi kasi nila kayang tiisin ang isa't isa kahit parang aso't pusa sila kung mag-away. Magboyfriend-girlfriend sila. Sana lahat 'no? Sana nasa kaklase lang ang true love, hahaha.

Natahimik kami nang biglang may pumasok sa room namin. Actually, maaga pa naman dahil alas dose akinse pa lang ng hapon.

"Grabe, ang init. Oh my gosh! Bakit ngayon ko pa naiwan 'yong portable fan ko? Urgghh!" Halos sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya habang pinakikinggan ang walang kwenta niyang litaniya.

Natatandaan niyo pa ba ang binasa ni Daisy kanina? Ano nga ang isa sa mga ayaw ko?

Tama, ang mga pabebeng tao! Coincidence ba 'to? Tumikhim si Jhonas upang malaman niyang hindi lang siya ang tao sa classroom namin.

"Ahem, ahem. Babe, i-on mo nga 'yong electric fan. I-level 10 mo." utos ni Jhonas kay Daisy. Alam kung narinig 'yon ng babaeng kararating lang ngunit hindi nito pinansin ang narinig niya.

"Electric fan ba talaga ang gusto mo o ipu-ipo?" Natawa ako sa sagot ni Daisy. Nag-apiran pa silang dalawa pagkasabi niya no'n. Kita niyo na? Matik na okay na kaagad 'yong dalawa, hahaha.

Tumingin sa direksyon namin 'yong babae tapos inirapan niya kami. Footspa! Tumaas lang naman ang bp ko nang very very light. Siya pa talaga ang may ganang gawin sa amin 'yon?

"Ikaw na kaya."

"Eh bakit ako?" Oh ayan, nagtatalo na naman.

"Basta, bilisan mo na." Naputol ang pagtatalo nila nang dumating ang ibang kaklase namin, close friends to be exact. Nagtaka nga sila kasi may bagong mukha na pumasok sa room namin.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon