Chapter 29

32 14 0
                                    

CJ's POV

Naiwan akong nakatanga sa kinatatayuan ko. Ilang beses ko ring kinuwestiyon ang aking sarili.

Bakit? Ano ba'ng kulang sa 'kin? Totoo ba 'to?

Nag-break kami ng ganoon lang? Iyon lang ba talaga ang dahilan? Alam ko naman na umpisa pa lang, hindi kami bagay sa isa't isa at tanggap ko 'yon.

Pero bakit biglaan?

I keep on asking myself kung anong problema. May mali ba sa akin? May nagawa ba ako? Nakahanap ba agad siya ng mas better sa akin?

Bigla kong naalala ang narinig kong sinabi ni Ysabel no'ng nasa CR kami. Kaya pala wala lang sa kaniya kapag magkasama kami ni Lawrence dahil alam niyang pipiliin pa rin ulit siya ni Lawrence.

So, sila na ulit ni Ysabel?

Inubos ko na lahat ng luha na mayroon ako. Pagkatapos ng lahat ng kabaliwan at katangahang ito, magbabago na ang lahat. Isinusumpa ko 'yan.

After five minutes, nag-text ako kay Ate Haley na uuwi na ako. Dumating naman agad siya kasama ang ate ni Lawrence. Pinakilala pa nga siya sa 'kin ni Ate Haley pero blanko ko itong tinitigan.

Hindi pala manloloko si Lawrence, ha. Sure na sila roon?

Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kuwarto. Sinabi ko na lang sa kanila na medyo masama ang pakiramdam ko kaya hindi na nila ako kinulit.

Sobrang sama ng loob ko kay Lawrence. Sa simula pa lang sinabi ko na sa kaniyang wala siyang mapapala sa 'kin pero nagpumilit pa siya.

Tapos ngayon, bigla siyang makikipaghiwalay kung kailan binagyan ko na siya ng pagkakataon kahit alam kong imposible ang relasyon namin.

Hinanap ko kaagad ang cellphone ko sa bag at bl-in-ock ang number niya. Ayaw ko na siyang makausap at lalong ayaw ko na siyang makita.

Ang kapal ng mukha niyang manloko. Sana pala hindi ko na siya binigyan ng chance. 

Sana pala sa simula pa lang, inamin ko na sa kaniya ang totoo para wala na sanang nasasaktan ngayon.

Wala sanang nasayang na luha dahil napaniwala niya akong minahal talaga niya ako. Sana hindi na lang nag-krus ang landas namin. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Pinagmukha niya akong tanga.

I hate him so much.

∞ ∞ ∞

The next day, nagpaalam ako sa adviser namin na hindi muna ako papasok. May okasyon kasi sa bahay namin. Mabuti na rin 'yon dahil hindi pa ako ready na makita 'yong taong iniiwasan ko.

Kung puwede lang sana akong um-absent ng buong week ay gagawin ko 'wag ko lang siyang makita.

Dinamayan ako ni Ate Haley no'ng araw na 'yon pero sinabi ko sa kaniyang hindi ako affected at ayaw na ayaw ko na siyang pag-usapan.

Nakakainis lang dahil magtitiis pa ako ng isang buwan para tuluyan na kaming hindi magkita. Graduating na kami ngayong taon at ito talaga ang pabaon namin sa isa't isa. Ang saklap lang!

The next day, pumasok na ako. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng bahay. Kinondisyon ko na ang sarili ko na 'wag umiyak sa harapan niya sa oras na magkita kami. Gano'n din naman kaya magpapanggap na rin akong hindi ko siya kilala.

Huminga ako nang malalim bago naglakad sa eskinita at nag-abang ng masasakyan.

Pagbungad ko pa lang sa gate, nakita ko na agad si Ysabel at ang mga alipores niya. Dadaan pa naman ako kung saan sila nakatayo.

"Girls, look who's coming," maarteng wika ni Ysabel sa mga kasama. Kasunod no'n ang malakas nilang tawanan.

Muli siyang nagsalita nang matapat ako sa kanila. Gusto ko sanang 'wag na lang siyang pansinin pero may biglang pumasok sa isip ko.

"Mabuti na lang at nahimasmasan si Lawrence sa 'yo. Dahil kung hindi, nakakaawa lang siya." Muli silang tumawa at pagkatapos ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Ako naman ay ngumiti lang pabalik sa kanila. Ito na ang huling salita na maririnig nila mula sa 'kin.

Tutal ga-graduate na rin naman kami next month, bakit hindi ko siya pabaunan ng mga katagang panghabambuhay na tatak sa kinakalawang niyang kukote.

"Correct me if I'm wrong, ha. Base kasi sa kalkulasyon ko, ikaw ang mas mayaman kaysa sa akin, eh. Pero bakit ikaw 'tong namumulubi sa atensyon ni Lawrence?" pang-aasar ko na ikinawala ng ngiti niya.

Masakit pero kinailangan ko ulit banggitin ang pangalan ni Lawrence.

Ako naman ngayon ang tumawa. Para ko na rin siyang sinampal nang napakalakas dahil sa sinabi ko.

"Sa 'ting dalawa kasi, sa akin siya mas naghabol dati. Hindi ko lang ako sigurado kung ikaw na ang piliin niya ngayon. Mukha kasing malabo pa rin 'yon na mangyari," dagdag ko pa.

Mas lalong sumama ang tingin niya sa 'kin pero nagawa pa niyang ngumiti.

"Come on, Cristine Joy. Hindi pa ba obvious? Pinalitan ka na nga niya, 'di ba? Ako na ngayon ang pinili niya."

"Pinili? Sure 'yan? Magkaiba kasi yung pinili sa pinilit Ysabel, eh. Baka nalilito ka lang," banat ko.

Mukha siyang ewan ngayon. Kung pahiyaan lang din naman, hindi siya uubra sa 'kin ngayon. Akala niya siya lang ang handang makipagbanatan.

"Kasi kung talagang ikaw ang pinili niya dapat no'n pa naging kayo na. Hindi na dapat siya nagkagusto sa iba." Tumawa ako ng mahina at tumalikod na. Naiwan siyang nakatememe kasama ang mga kaibigan niya.

Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling lahat ng sinabi ko pero sa tingin ko sapat na 'yon para siya naman ang mahimasmasan.

Natapos ang buong araw na hindi ko siya nakita sa campus. Um-absent siguro siya pero wala na akong pakialam do'n. Hindi na sa kaniya umiikot ang mundo ko.

Kinukulit pa rin ako ng mga kaklase ko kung totoo raw na hindi na ako ang nililigawan ni Lawrence. Kaysa patulan ko sila, hinayaan ko na lang. Gusto ko na rin ng katahimikan.

"Ate isang softdrinks—"

"Ate isang brownies—"

Pareho kaming nagkatinginan nang marinig ang pamilyar na boses ng isa't isa. Binawi ko agad ang tingin ko sa kaniya at pinakalma ang sarili.

Maliit lang talaga ang mundo. Gustuhin mo man iwasan ang taong ayaw mong makita, pagtatagpuin at magkakasalubong pa rin kayo.

Kinuha ko na ang softdrinks na binili ko saka ito binayaran. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng canteen. Gano'n lang, kunwari wala akong nakita.

Nasanay akong gano'n ang set up namin. Isa yata sa pinakamahirap gawin sa mundo ay ang iwasan mo at kalimutan mo ang taong minsan ng naging parte ng buhay mo.

Naiisip ko pa rin 'yong dati. Masakit pero kailangan ko na 'yon kalimutan. Isa 'yon sa maituturing kong bangungot sa high school life ko.

Lahat ng mga gamit, letters, flowers, texts o kung ano-ano pang galing sa kaniya na maaalala ko, inalis, binura at tinapon ko na. Wala na rin namang saysay 'yon. Hindi na rin naman maibabalik pa 'yong dati.

Hindi na rin siya pagparamdam sa 'kin after graduation. Ibig sabihin lang no'n, 'wag na naming kulitin pa ang isa't isa at mas lalong wala rin naman akong balak na gawin pa 'yon.

Nawalan na rin kami ng koneksyon. Mabuti naman 'yon dahil kahit papaano, matatahimik na kami pareho.

Nakakalungkot lang isipin na kung sino pa ang nangangako, sila pa na unang susuko.

-----

A/N: Dito na nagtatapos ang POV ni CJ Vasquez. Ang unang kabanata na ang karugtong nito. Kagaya ng sinabi ko sa intro pa lang, sinadya ko kung paano isunod sunod ang kuwento.

Sana ay nasundan at naintindihan ninyo pa rin. Next chapter, POV na ni Diana, ang babaeng nakilala niya no'ng araw na na-hold up siya.

Keep reading po!

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon