Sa sobrang excited kong pumasok sa school ay napaaga masyado ang pagdating ko. Tumambay muna ako sa gym, dahil wala pa namang ibang tao sa classroom. Baka mamaya niyan, may sumitsit na lang sa 'kin na hindi ko nakikita, haha. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para magsoundtrip muna nang biglang may humalik sa pisngi ko.
"Good morning, babe," bati niya habang nakangiti. Sa totoo lang, nagulat ako sa ginawa niya kahit inaasahan kong magkikita kami. Mas nauna pala siya sa 'kin pero 'di man lang nagtext agad.
"Sorry, hehe, nagulat ba kita? Sorry kung naexcite ako ha, ikaw kasi. Teka ano ba 'yong sinabi mo kaninang gagawin mo sa 'kin?" Lumapad ang ngiti ko. Kaya pala mas nauna pa siya sa 'kin dahil curious siya ro'n sa sinabi ko, haha.
Gagawin ko rin ang ginawa niya kanina kung nagkataon na ako ang mas nauna. Mas sinuwerte lang siya, haha.
Hinawakan ko siya sa bewang saka hinila palapit sa 'kin. Siya naman ngayon ang nagulat sa ginawa ko pero ngumiti rin siya agad. Wala pa namang ibang tao rito dahil alas sais cuarenta pa lang nang umaga.
Wala naman akong ginawang masama. Hinalikan ko lang naman siya at tumugon din siya sa mga halik ko.
Pareho kaming kinapos ng hininga nang maghiwalay ang mga labi namin. Tinitigan kong muli siya bago hinalikan ulit. Awtomatikong lumikot ang mga kamay ko habang magkadikit ang mga labi namin. Inaasahan kong sasawayin niya ako pero hindi niya ginawa. Bumaba 'yong halik ko sa leeg niya kaya napapikit siya.
"Babe," sambit niya sa pagitan ng halikan namin.
Mag-sosorry sana ako kasi akala ko naoffend siya sa ginawa ko pero bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Pareho kaming nagkatinginan nang matapat kami sa CR ng babae.
Hinila niya ako papasok at siya naman ang nanghalik sa 'kin. Mas agresibo siya ngayon kumpara kanina. Huwag sana kaming mahuhuli dahil paniguradong may kalalagyan kami 'pag nagkataon. Bukod do'n, sisikat pa kami sa buong campus at pag nalaman 'yon ng mga magugulang niya, ipapapatay lang naman nila ako.
Ang lambot ng labi ni Eunice kaya hinayaan kong ang aking sariling magpakalunod sa halik niya. Napadilat ako nang mata nang makagat niya nang bahagya ang ibabang labi ko. Natawa siya nang mahina sabay peace sign sa akin.
Kung nanggigil na ako sa lagay na 'yon, ano pa kaya siya? Inangat ko siya upang makaupo sa lababo ng CR. Mabuti na lang at nakapalda siya. Parang gusto ko tuloy isipin na sinadya niya iyong suotin para hindi na ako mahirapan. Mas lalo akong naging agresibo nang ngumisi siya sa akin.
Sunod kong pinisil ko ang mga hita niya. Nagulat pa ako nang pumakawala siya ng ingay na alam kong dinig na dinig sa Shit! Wala sanang makarinig no'n.
Bumaba ang halik ko sa dibdib niya. Siya na mismo ang nagtanggal ng dalawang butones para makabwelo ako. Pinasok ko ang kanan kong kamay sa kaniyang palda sabay haplos sa makinis niyang legs. Pinagpawisan pa akong ng malamig nang mahawakan ko ang underwear niya. Akmang hihilahin ko na iyon pababa nang pareho kaming napag-igtad sa pag-vibrate ng kaniyang cellphone sa bulsa.
Napatitig kami sa isa't isa habang hinahabol pa rin ang paghinga.
"Babe, teka lang ha? Sasagutin ko muna 'tong tawag." Tinanguan ko lang siya habang nakayakap pa rin sa kaniya.
"Si Tita!" sambit niya na may halong pag-alala. Inayos muna niya ang sarili bago sinagot ang tawag. Ako naman ay sumenyas sa kaniyang doon na lamang sa labas ng restroom maghihintay.
Pag labas ko, nakita ko ang janitor ng school namin na nagma-mop doon sa dulo. Shit! Narinig kaya niya?
Sinilip ko muna si Eunice sa loob bago tuluyang umalis. Mukha kasing mahaba-haba pa ang usapan nila ng tiyahin niya. Naghanap ako ng ibang madadaanan para hindi mapansin ng janitor. Mabuti na lang at nakabukas ang pinto sa fire exit kaya roon na ako lumusot. Iti-text ko na lang siya na sa classroom na lang kami magkita ulit. Mahirap na. Baka mahuli na naman kami tulad ng dati.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
RomanceHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...