Chapter 16

136 34 7
                                    

Hindi na nga ako nakatulog nang maayos kagabi, sobrang aga pa 'kong nagising. Kumusta naman 'yon? Kahit anong pilitin ko, 'di na talaga ako nakatulog. Kaysa matulog ulit, bumangon na ako at dumiretso sa banyo.

Eksaktong alas sais ng umaga nang makarating ako sa school namin. Medyo madalim pa nga kasi sobrang aga pa talaga. Mabilis kong tingungo ang rooftop ayon sa napag-usapan namin kagabi. Obviously, ako pa lang ang nandoon. Naupo muna ako sa lapag at sinandal ang aking balikat sa dingding bago pumikit. Pinag-iisipan ko ang mga katanungan na gusto kong mabigyang linaw sa kaniya.

Gusto kong marinig ang mga paliwanag niya matapos ang palitan namin ng mensahe kagabi. Pinagsisisihan kong nagpadala ako sa galit no'ng isang araw. Imbes na pakinggan, itinaboy ko pa siya.

After twenty minutes, narinig kong bumukas ang pinto. Kaagad kong inayos at pinakalma ang aking sarili. Ilang segundo pa'y iniluwa no'n ang babaeng inaasahan kong makita ngayon. Nagsimula ng manlamig ang palad at talampakan ko. Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko.

Pinagmasdan ko siyang naglakad palapit sa pwesto ko at sinibukan siyang ngitian nang matamis. Katulad no'ng araw na muntik na siyang mahagip ng humaharurot na sasakyan, muling nagslow-mo ang paligid. Lalo na ang paghakbang niya palapit sa akin hanggang sa namalayan kong nasa harapan ko na siya.

"Ano nga pala 'yong sasabihin mo?" mahina niyang tanong.

Tila natuyuan na ako ng lalamunan at hindi na nagawang makapagsalita pa.

"Ah ano... Salamat nga pala sa pagpunta," tipid kong sagot.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo?" tila naiinip niyang tanong. Halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.

"Oo. Este, hindi. M-may itatanong lang ako." Kung kailan nasa harapan ko na siya saka naman ako nablanko.

"Okay ka lang ba?" tanong niya nang mapansing hindi ako kumportable.

"H-ha?" tanong ko rin. Nataranta kasi ako dahil bigla niyang hinipo ang noo ko.

"Namumula ka. May sakit ka ba?" nag-aalala niyang tanong.

Hindi na ako nakatiis kaya hinigit ko siya palapit sa akin. Nagulat siya sa ginawa ko pero niyakap ko lang siya nang mahigpit.

"CJ–" bulong n'ya.

"Sorry." Iyon lang ang tangi kong nasabi.

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin kaya ako naman ang nagulat ngayon. "Ano ba'ng ginagawa mo? Hindi na natin pwedeng gawin 'to. Hindi na tayo katulad ng dati," sunod sunod niyang sabi.

"Sorry sa ginawa ko no'ng isang araw. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Pinagsisisihan kong— "

"Tapos na 'yon, nangyari na. Huwag kang mag-alala. Sinabi ko naman sa 'yong okay na ako, 'di ba? Hindi na kita guguluhin. Sa katunayan, ako nga dapat ang humihingi ng sorry dahil sa pag-iwan ko sa 'yo sa ere. Pero wala na tayong magagawa eh. Gusto kong malaman mo na pinagsisihan ko lahat 'yon," wika niya habang nagsisimulang pumatak isa-isa ang luha niya.

"Gusto kong marinig lahat," sambit ko.

"Sorry pero, kailangan pa ba? Ayokong sirain ang relasyon ninyong dalawa. Wala na rin namang magbabago kapag sinabi ko sa 'yo ang dahilan," paliwanag niya.

"Please? Siguro naman may karapatan akong malaman 'yon 'di ba? Nasaktan din ako Janice," pagmamakaawa ko.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "May sakit si mama that time. Cancer, stage 2." Kasabay noon ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Ako naman ay napayuko na lamang habang pinipigilan ang sariling umiyak sa harapan niya.

"Hindi pa niya alam no'n na may sakit siya, lalo na noong araw na iniwan kita. Umalis kami at pumunta sa Manila para ilayo ako sa 'yo. After 2 days, sinugod namin siya sa hospital. Sinabi sa amin ng doctor na may malubha siyang sakit. Tanging ako lang ang umasikaso sa kaniya sa hospital dahil nasa malayo ang mga kapatid ko. Abala na sila sa kani-kanilang buhay. Ginawa ko ang lahat para alagaan siya hanggang sa isang araw, humingi siya ng tawad sa 'kin. Hindi raw niya tayo dapat pinaghiwalay. Hindi ka raw niya dapat hinusgahan. Sabi pa niya, ayaw daw niya akong nakikitang nahihirapan dahil pinaglayo niya tayong dalawa. Simula kasi no'n, hindi na ako umaalis ng bahay. Ipinangako niya sa 'kin na once matapos ko ang first semester ko roon, babalik kami kaagad rito. Medyo nahuli ako ng enrol ngayon kasi nagamit pa 'yong pera pambili ng mga gamot niya. Nagpapadala naman ang mga kapatid ko ng kaya kahit papaano naibibigay naman namin ang mga pangangailangan ni mama. Hindi ko naman alam na sa pagbalik ko, ang taong gusto kong makasama habangbuhay ay may mahal na palang iba," mahabang paliwanag niya sabay punas ng luha. "Hindi ko masabi sa kaniyang wala na talaga tayo. Ayokong sisihin niya ang sarili niya," dagdag niya. "Nasabi ko na lahat. Kailangan ko ng umalis."

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon