Chapter 5

279 78 2
                                    

Napaaga ako ng dating sa school dahil may kailangan pa akong daanan bago dumiretso sa classroom. Akala ko nga late na ako para sa first subject namin pero hindi pa naman pala. Nagsoundtrip muna ako habang naglalakad papunta sa building namin. Naalala ko 'yong convo namin ni Hanna kagabi. Sana naman hindi na siya makaramdam ng ilang sa akin pagkatapos ng mga napag-usapan naming kagabi.

Hindi 'yon ang unang beses na may nagsabi sa 'kin na crush nila ako pero imbes na na magmayabang, nakaramdam ako ng lungkot para sa kaniya. Wala kasi akong kaalam alam na nasaktan ko na pala ang damdamin niya no'ng nagkagusto ako sa iba.

After ten minutes, padami na nang padami ang mga studyanteng nakakasabayan kong maglakad sa hallway. Umingay na lang bigla ang bawat classroom na nadadaanan ko pero wala pa ring tatalo sa ingay ng mga kaklase at tropa ko lalo na no'ng magsidatingan na sila. Palagi naman 'yon eh, haha.

Naisip namin na tumambay muna sa labas dahil wala pa naman ang instructor namin. Napalingon ako sa dako kung saan ngumuso si George. Natanaw ko si Hanna na may kasabay sa paglalakad, iyon ata ang manliligaw na sinasabi niya sa akin kagabi kung 'di ako nagkakamali.

"Si Hanna ba 'yan? Sino 'yong kasama niya?" tanong niya. Wala akong maisagot sa tanong niya dahil hindi ko rin naman personal na kilala 'yong lalaki although nabanggit na ni Hanna sa 'kin 'yong tungkol rito kagabi.

"Ayan, naihatid mo na ako at safe akong nakarating kaya pwede ka ng umalis este pwede mo na akong iwanan." Ngumiti lang 'yong lalaki kay Hanna bago ito umalis. Bilib din ako sa tiyaga nitong maghatid-sundo sa kaibigan naming kahit madalas siyang sinusungitan nito. Hindi na ako magtataka kung darating ang araw na tuluyan nang mahulog ang loob ni Hannah sa kaniya.

"Ang harsh naman," natatawang sabat ni George.

"Ang kulit eh. Akala naman niya 'di ko kayang pumunta rito mag isa," inis na wika niya habang nakapamewang.

"Ikaw na nga ang hinatid, ikaw pa 'tong galit. Ibang klase ka rin ano? Pambira!" pangongonsensiya ni George.

"Bakit ba ikaw 'tong namomroblema? Affected ka ba?" Natawa ako sa facial expression ni George nang marinig 'yon. Mukha kasing nalugi ang itsura niya, haha.

Hinintay kong magtama ang tingin namin ni Hanna. Gusto ko lang kasing makasigurado kung okay kami sa isa't isa dahil ayaw kong problemahin 'yon sa maghapon. Ayaw ko pa naman na may nakakasamaan ako ng loob. Masyadong mabigat sa pakiramdam 'yon eh.

Hindi sa pag-aassume pero awtomatikong nawala ang inis niya nang makita ako.

"Hi CJ!" masiglang bati niya habang kumaway-kaway pa na parang bata.

"Hello," nakangiti rin na tugon ko. As usual, pinisil na naman niya ang pisngi ko tapos may sinabi siya in silence na parang ganito, 'ang cute mo.'

"Oo na. Kotang-kota na ako sa 'yo kagabi pa." Hindi ako sanay na matawag ng gano'n dahil nagmumukha akong aso o kaya pusa kapag naririnig ko ang katagang 'yon.

"Ano? Magkatext kayo kagabi? Ang daya naman. Samantalang ako, ang dami-dami kong text sa kan'ya, ni isang reply wala," pagtatampo ni George.

"Kasalanan ko ba na kung kailan ka nagtext saka naman ako nakaramdam ng antok? Eh hating-gabi na no'n ah?" Ayun, tumaas tuloy ang blood pressure ni Hanna. Hindi naman siguro siya galit ano? Baka nagpapaliwanag lang talaga, hahaha.

"Hi Eunice." Nabaling kay Jomar ang atensiyon namin nang batiin nito si Eunice na kararating lang.

"Hello." Nagulat ako nang bumati ito pabalik. Aba, himala! Kahit papaano pala nakaka-adapt na siya rito. Mabuti naman kung gano'n, hindi 'yong sila pa ang mag-aadjust para sa kaniya. Napapansin ko rin na paminsan-minsan na lang siya inaabot ng topak niya kaya kahit papaano, nakukuha na ng bawat isa ang katahimikan na inaasam nila. Ang lalim no'n ah? Akala mo talaga napakalaking pinsala ang naidulot niya, hahaha.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon