Chapter 6

276 77 2
                                    

Naiisip ko pa rin ang mga salitang binitawan namin kanina. Hindi naman ako dapat magpaapekto kasi natural naman sa debate ang gano'n pero kahit paano nasaktan ako sa sinabi niya na pare-pareho kami.

Hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Daisy. Niyayaya nila akong kumain sa canteen pero sinabi ko sa kanila na pass muna ako. Nag-alibi na lang ako na may pupuntahan pa ako kahit wala naman. Tinext pa ako ni Hanna upang tinanong kung okay lang ako kaya tinawagan ko agad siya. Sinabi niyang hintayin ko raw siya sa labas ng gate ng school namin upang may kasabay ako sa pagkain. Naappreciate ko ang ginawang 'yon ni Hanna.

Bago kami bumalik sa classroom, tumambay muna kaming dalawa sa gymnasium. Kapansin-pansin na bigla akong tumamlay kumpara sa masiglang mood ko kaninang umaga.

"Iniisip mo pa rin ba 'yong sinabi ni Eunice?" Kahit hindi ko sagutin iyon, sa tingin ko alam na niya ang sagot.

"Mukha ba akong manloloko Hanna?" Wala sa wisyo kong tanong.

"CJ, hindi. Ano ka ba?"

Silence.

"Alam mo, nanggigigil talaga kami ni Daisy sa Eunice na 'yon eh. Sumobra na siya kanina, buti na lang nakapagtimpi pa ako. Sabihin mo lang kung kakalbuhin namin siya. Naku! Gagawin ko talaga sa kaniya 'yan." inis na sabi niya.

"Ang hirap mo palang maging girlfriend," sabay tawa ko nang mahina.

"A-anong ibig mong sabihin?" Magpout ba naman siya sa harapan ko. Pambihira.

"Warfreak ka yata eh. Baka mamaya niyan, bigla na lang akong may magtext sa akin na nasa guidance ka, hahaha. Aray! Bakit na naman?"

"Nakakainis ka naman eh. Palagi mo na lang akong nililink sa 'yo tapos 'di mo naman ako nililigawan." Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nantitrip lang kaya tinawanan ko lang ulit siya.

"Ano ba kasing nagustuhan mo sa 'kin maliban sa cute ako?" pigil-tawang tanong ko. Nasagot na niya dati 'yon sa text pero gusto kong marinig ng personal ang sagot niya. Malay natin, magbago pa 'yon, hahaha.

"Sinagot ko na 'yan eh. Ipapaulit mo na naman. Nang-aasar ka ba, ha?" tapos nagpout ulit.

"Huwag mo ngang ginagawa 'yan." Naiilang kasi siya kapag matagal akong nakatitig sa kaniya, haha.

"Alin? Iyong gan'to?" Hinalikan ko siya sa pisngi sabay tayo at saka naglakad palayo sa pwesto niya. Naiwan siyang namimilog ang mga mata dahil sa ginawa ko.

"Oh my G! CJ? Arrggh! Humanda ka sa akin." sigaw niya. Tawang-tawa talaga ako sa reaksyon niya. Friendly kiss lang naman 'yon eh. Ang cute kasi ng pisngi niya parang marsh mallow. Ang lambot, hahaha.

Umalingawngaw ang boses niya sa gymnasium kaya inikot ko ang tingin ko. May nakakita kaya sa amin kanina? Hahaha.

"Bakit na naman?" Ayun, bugbog-sarado na naman ako sa kaniya, haha. Pasalamat na lang ako dahil hindi siya nagalit. Hindi talaga, haha.

"Huwag ka ngang paasa," nakasimangot na wika niya.

"Hindi naman kita pinapaasa ah?" depensa ko naman.

Hindi ko masyadong narinig ang sunod na sinabi niya pero parang ganito 'yon, 'kung hindi, eh bakit magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon?'

"Umamin ka nga sa 'kin. Type mo si Eunice 'no?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig 'yon. Paano naman niya nasabi? Ano'ng basehan niya?

"Iyon pa rin ba talaga ang iniisip mo matapos ang nangyari kanina?" seryosong tanong ko.

"So hindi mo siya gusto, gano'n ba 'yon?" Matagal akong napatitig sa kaniya bago ako nagsalita. Bakit ba ang hilig-hilig nitong saktan lagi ang sarili niya?

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon