Janice Daza's POV
"Baby, 'wag kang tatakbo ha, baka madapa ka," paalala ko sa anak kong si Jojane na abala ngayon sa paglalaro.
Tama ang nabasa n'yo. Isa na akong ganap na maybahay ni Jonard, walong taon na ang nakakalipas. Janice Daza— Reyes na ako ngayon.
So far, maayos naman ang buhay naming mag-asawa. Kaagad naman kaming biniyayaan ng supling isang taon pagkatapos ng kasal namin. Pakiramdam ko nga ay napakabilis ng panahon.
'Yong baby na pinanggigigilan at karga-karga pa namin noon ay malaki na at ready nang pumasok sa school ngayon.
At dahil ngayon ang unang araw niya sa eskwelahan, nagprisinta kaming mag-asawa na kami na muna ang maghahatid sa kaniya.
Aalis din kami kaagad pagkatapos. Susunduin na lang namin ulit siya mamayang uwian. Hindi kasi siya 'yong tipo ng bata na gustong palaging pinabantayan. Kahit may pagkamakulit, mabait at sweet siya sa amin ang tatay niya.
Gusto din kasi naming makita at makilala ng personal ang magiging teacher niya at mga kaklase. Sigurado kaming may ibang parents din kasing pupunta ngayon sa school upang ihatid ang mga anak nila.
Napag-usapan kasi namin ng asawa ko na kahit gaano pa kami kaabala sa trabaho, sisiguraduhin naming hundred percent pa rin ang suportang ibibigay namin sa aming unica hija.
Pinagmasdan ko ang bawat classroom na dinadaanan namin.
Nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na lumawas kami ng Maynila after graduation upang maghanap ng trabaho. Sa awa ng Diyos, pareho kaming natanggap. Kahit magkaiba kami ng trabaho ni Jonard, nangako kami sa isa't isa na hindi kami dapat magkukulang ng oras pagdating sa anak namin.
Si Mama naman, kasama pa rin namin siya sa bahay. Isinama namin siya dahil walang ibang magbabantay sa kaniya kundi ako. Wala namang kaso iyon kay Jonard.
Sa katunayan, lumaki siyang walang nanay kaya hinahanap-hanap niya ang kalinga ng isang ina. Talagang napakasuwerte ko sa kaniya dahil maliban sa mahal na mahal niya kami ng anak ko ay minahal din niya ang pinaka importanteng tao sa buhay ko— si Mama.
At dahil pareho kaming abala ng asawa ko sa trabaho, si Mama palagi ang madalas na kasama ng anak namin. Napagdesisyonan naming imbes na ipaalaga si Jojane sa iba, kay Mama na lang namin siya ipagkakatiwala.
Mas kampante kaming nasa maayos na kalagayan ang aming anak kapag si Mama ang nagbabantay sa kaniya. Isa pa ay hindi naman pasaway na bata ang anak namin kaya hindi naman siya ganoong namroblema sa kaniya.
Sa katunayan nga ay, aliw na aliw pa si Mama kapag nakikipagkwentuhan at nakikipaglaro sa kaniya ang apo niya.
Sobrang thankful talaga kami dahil nawala na ang cancer niya. Naagapan pa namin kaya fully recovered na talaga siya.
"Ops! I'm sorry," paghingi ng paumanhin sa akin ng babaeng nakabangga ko.
"It's okay," tugon ko naman ngunit muli akong napatitig sa kaniya. "Ate Haley, is that you?" gulat na tanong ko. Nandito rin pala siya?
"J—janice? Kumusta ka na?"' tanong naman niya sa akin.
Oo. Siya ang magiging teacher ng anak ko. Nagkumustahan kami ni ate Haley pagkatapos ng klase niya. Nalaman kong teacher din sa paaralang ito ang napangasawa niya at mayroon na silang dalawang anak. Talaga ngang napakaliit lang ng mundo dahil magkaklase pa ang mga anak namin.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Buong lakas akong nagtanong sa kaniya kung may alam siya tungkol kay CJ pero wala siyang naisagot sa akin.
Walang taon na ang nagdaan ngunit ngayon ko lamang nalaman na kaya pala siya umuupa no'ng college ay dahil hindi na siya umuuwi sa kanila. Ngayon ko lang din nalaman na hindi pala sila okay ng parents niya. Ni minsan, hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol do'n.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
RomanceHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...