Chapter 15

138 32 0
                                    

Tinatamad akong pumasok ngayong araw kaya lang wala akong choice. Naisip kong tumambay na lang muna sa gym— para na rin makapag-isip isip. Masyado pa namang maaga at eighteen minutes pa bago magsimula ang klase.

Naglakad-lakad muna ako. Naalala ko 'yong nangyari sa amin ni Eunice dito no'ng nakaraang araw. Totoo pala talagang nakakabingi ang sobrang katahimikan. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.

Hindi ko inaasahan na sa pagharap ko, ibang tao ang makikita ko—si Janice. Bigla akong napaatras palayo sa kaniya.

"CJ–" namamaos niyang sambit sa pangalan ko. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang luhang namumuo sa mga mata niya.

"B-bakit mo ginawa 'yon?" Nabigla siya sa bahagyang pagtaas ng aking boses.

"CJ, miss na miss na kita. Sobra.." wika niya na hindi man lang pinansin ang pagsigaw ko. Tinawanan ko pa ang aking sarili dahil sa huli niyang sinabi.

Ako? Miss niya? Wow! Dapat ba akong matuwa?

"Teka, ano bang sinasabi mo? Bakit mo ginagawa 'to?" sunod sunod kong tanong.

"Patawarin mo ako, CJ. Sorry kung umalis man ako sa tabi mo na walang paalam," maluha-luhang niyang sabi.

Napasabunot pa ako ng buhok bago nagsalitang muli. "Sorry? Iyon lang 'yon? Gano'n na lang ba kadali 'yon? Alam mob a kung gaano ako nagmukhang tanga no'ng araw na iniwan moa ko sa ere? Ni hindi ko man lang narinig mula sa 'yo kung ano ang problema tapos ngayon, babalik ka at sasabihin mo 'yon sa 'kin na parang walang nangyari?" garalgal kong sabi.

"M—magpapaliwanag ako, CJ. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon para sabihin lahat 'yon," pagmamakaawa niya.

"Para saan pa, Janice? Matagal mo nang tinapos 'yong sa atin at wala na tayong dapat pag-usapan pa." Humakbang na ako palayo sa kaniya.

Hindi ko inaasahan na sa pag-angat ko ng ulo, bubungad sa akin ang galit na mukha ni Eunice. "B—babe," kinakabahan kong sambit. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya dali-daling tumalikod at humakbang palayo. Hinabol ko naman kaagad siya at pinaharap sa akin.

"Eunice, sandali. Hindi 'yon katulad ng iniisip mo," tawag ko sa kaniya. Napahinto siya sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa akin.

"Wow!" sarkastiko niyang sabi. "Eunice na lang ngayon. Ano? Nagkabalikan kayo?" galit niyang tanong sa akin. Sa sobrang taranta ko kanina, ngayon ko lang napagtantong tinawag ko siya sa pangalan niya imbes na sa tawagan namin.

"Babe, hindi. Ano bang sinasabi mo?" depensa ko.

"Eh, ano?" galit niyang tanong sa 'kin.

"Tapos na kami at wala na kaming dapat pag-usapan," paliwag ko.

"Eh 'yong nakita ko kanina? Ano 'yon?"

"Babe—" 'Yon na lang ang tangi kong nasabi.

"Sinabi mo na ba sa kaniyang may girlfriend ka na?" Napalunok muna ako ng laway bago umiling. Dahil doo'n, tinalikuran niya akong muli at naglakad palayo. Kaagad ko naman siyang hinabol at niyakap mula sa likuran.

"Babe, 'wag mo naman akong pahirapan." Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa kaniya habang nakasiksik ang ulo ko sa leeg niya. Ramdam ko ang bawat paghikbi niya dahil sa nakita niya kanina.

"Ako ba hindi? Akala ko ba naiintindihan mo ako?" wika niya sa pagitan ng pag-iyak.

"Ginawa ko naman ang gusto mo 'di ba? Sinunod ko naman 'yong sinabi mo sa 'kin na layuan muna kita kahit labag sa loob ko," paliwanag ko. Dahan-dahan siyang humarap sa akin upang titigan ako.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon