A/N: Isa ito sa mga Untold POV ni Lawrence sa Chapter 23 pero this time, POV naman ni CJ Vasquez ang mababasa niyo. Siya ang lalaking tinutukoy niya rito. Malalaman ninyo rin sa mga susunod na chapter kung sino si Lawrence sa buhay niya.
---
CJ Vasquez's POV
Ito ang araw na sana ay mag-ce-celebrate kami ng first monthsary namin. Nag-expect ako nang sobra. Ito din 'yong unang beses kong mag-celebrate ng ganoon pero iba ang nangyari sa inaasahan ko. Ito 'yong bagay na hindi ko napaghandaan.
"I'm sorry. Narealize ko na hindi pala kita mahal. Tama 'yong mga naririnig mo. Pinaglaruan lang kita. Ni hindi ko nga alam kung bakit kita niligawan, eh. Maybe I was just bored that time. Hindi tayo bagay sa isa't isa. Kalimutan mo na ang nangyari." And with that, he left me.
I'm speechless. Did I just witnessed that?
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Totoo ba 'to? Teka, bakit? I keep on asking myself kung anong problema. May mali ba sa akin? May nagawa ba ako? Nakahanap ba agad siya ng mas better sa akin?
I asked myself a million times.
Why?
Ano bang kulang sa'kin?
When I met him, I thought he's the one. I believed in his promises. I believed in his I love you's. I believed in his perfect lies. Little did I know that he's just like those guys who treats love as a game.
We built our dream with each other but here I am, fulfilling that dreams alone. He's my first love. I do believe it never dies, not until he made me look stupid.
How can I forgive him for what he have done?
How can I trust again if everytime I remember what he did, I think of them that they are all just the same?
Nagsimula ang lahat no'ng third year high school ako, taong 2014. Maraming beses ko na siyang nakikita pero ito ang unang araw na binanggit niya ang pangalan ko.
"Nasaan ang ID mo?" tanong niya sa bagong pasok na estudyante na kaklase ko pala.
"Naiwan ko sa bahay, Pres. Baka naman p'wede mo muna akong papasukin, oh. May long quiz kami mamaya, eh. Sige na naman, oh?" pagmamakaawa nito.
"Tsk! O sige, sige. Ang ID kasi tao dapat ang gumagamit, hindi bahay. Sa susunod hindi ko na 'to palalampasin."
"Salamat, Pres."
Napakamot na lamang sa ng ulo ang President ng SSG namin nang papasukin n'ya ang isa kong kaklase na walang suot na ID. Mahigpit kasi sa eskuwelahan namin at 'yon naman talaga ang dapat.
"Cristine Joy Vasquez" napanganga ako nang tawagin n'ya ako sa pangalan ko.
Hindi ko alam na kilala niya pala ako. Never pa naman kaming nagkakuwentuhan pero madalas ko na siyang nakikita sa school namin. Ngayon lang niya ako napansin at hindi ko inaasahan 'yon.
"ID mo ba talaga 'tong suot mo?" hinawakan niya ang ID na suot ko at tiningnan ang picture doon para i-verify na ako nga talaga 'yon.
Medyo napahiya yata ako roon. Sa ID lang pala niya nakita ang pangalan ko.
"Hoy Lawrence, baka matunaw 'yan," pang-aasar ng mga kaibigan niya dahil natagalan siya sa paghawak sa ID ko. Tumawa lang siya nang mahina bago ako pinapasok sa gate.
Siya si Lawrence Juarez. Third year high school na kami pareho. Palagi ko nang naririnig ang pangalan niya sa school namin mula noong first year pa lang kami. Kilala ko lang siya by face and name pero ako, hindi niya talaga ako kilala as if I never exist.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
RomanceHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...