Chapter 30

52 15 0
                                    

A/N: This time, si Diana na ang magpi-POV. Kung nakarating kayo sa chapter na 'to, ibig sabihin nabasa niyo na ang chapter kung saan nakausap siya nina Janice Vasquez-Reyes at Eunice Del Fierro-Gomez.

---

Diana Marie Sanchez-Dizon's POV

Kagagaling lang namin ni Mommy sa hospital no'ng araw na makita namin si CJ sa tapat ng isang fast food chain.

Ginabi na kasi kami ng uwi dahil naisip kong mamasyal muna kami bago umuwi. Matagal-tagal na rin kasing hindi nakakalabas ng bahay si Mommy.

Nakita namin noon si CJ na nakahandusay sa sahig habang hawak-hawak niya ang kaniyang duguan na tiyan. Hindi kami nagdalawang-isip na ipahinto ang sasakyan kahit hindi namin siya kaano-ano.

Isa pa, she looked helpless. Ramdam namin na kailangan niya kami ng mga oras na 'yon. Dinala kaagad namin siya sa hospital.

"Kaano-ano po kayo ng pasiyente?" tanong ng doktor sa amin.

"We're not related. Kami lang ang nagdala sa kaniya rito," sagot ko naman.

"Eto po ang ilan sa mga gamit niya," sabay abot ng wallet at saka ID sa amin.

Ang na oras ang lumipas bago siya nagising. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata at nilibot ang tingin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko. Bago siya sumagot, nagpalinga-linga muna siya. Ramdam kong nahihirapan siya sa sugat na tinamo niya kanina.

Malungkot siyang tumingin sa amin. Pinipilit pa niyang bumangon sa pagkakahiga pero pinigilan ko siya. Sariwa pa kasi ang sugat niya baka kung mapaano pa siya.

"Okay lang ako," sabay ngiti niya ng mapait.

"May kakilala ka ba na pwedeng dumalaw sa 'yo rito?" tanong ko na ikinatahimik niya.

"Salamat sa pagdala sa 'kin dito pero kaya ko nang mag-isa. Babayaran ko na lang 'yong mga bayarin na nagastos n'yo rito sa hospital," aniya.

Magsasalita pa sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko muna ito at saka sila binalikan pagkatapos.

Pagbalik ko, narinig ko silang nag-uusap ni Mommy. This time, may hinihingi siyang pabor sa amin. Gusto na niyang mag-resign na sa fast food chain na iyon. Gusto rin niyang pakiusapan ang manager na huwag sabihin sa kahit na sino kung nasaan siya, sakaling may maghanap sa kaniya na kakilala.

Nabanggit din sa akin ni Mommy na pumayag daw si CJ sa alok niya na magtrabaho sa negosyo na pagmamay-ari namin.

Tutal kaming dalawa na lang ni Mom at mga kasambahay ang nasa bahay, pumayag din siya na roon na sa amin pansamantalang tumuloy. Noong una ay ayaw niya pero nakumbinsi din namin siya kalaunan.

Kagaya ng hiling niya, kami na mismo ang tumawag sa manager ng fast food chain para ipaalam ang nangyari sa kaniya at kami na rin ang umasikaso sa plano niyang mag-resign. Pinaliwanag namin na para sa kaligtasan niya ang ginagawa namin kaya pumayag naman sila.

Tinuring namin si CJ bilang pamilya. Kagaya ng napag-usapan, sa amin na siya nagtatrabaho. Labis-labis ang pasasalamat niya sa amin ni Mommy.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon