Chapter 9

246 67 0
                                    

Kinakabahan akong naglakad papasok sa gate ng school namin. Pakiramdam ko ang daming nangyari sa loob ng two days na hindi kami nagkita. Paglingon ko, may nakita akong familiar na bag. Hindi lang ako sigurado sa nakita ko pero parang bag ni Eunice 'yon.

Noong una, inisip kong imposibleng siya 'yon dahil papunta sa building ng ibang department ang direksyon no'ng may ari ng bag. Napatanong pa ako sa sarili ko kung bakit naman siya pupunta roon eh wala naman siyang ibang kakilala rito maliban sa amin.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang lalaking sumalubong sa kaniya. Sa mga oras na ito, mas lalong lumakas ang hinala kong si Eunice nga iyon base sa kung paano ito manamit at maglakad. Hindi ako maaaring magkamali.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa second floor na, nakatayo sa may hagdan at nagtatago. Pumasok sila isang room sa pinakadulo. Habang hinihintay ko silang lumabas ulit, nakita ako ng kakilala kong nag-boboard din malapit sa may sa amin.

"Uy CJ nandito ka pala. Sino'ng sadya mo rito?" Nagtataka itong nakatingin sa akin dahil alam niyang wala rin akong ibang kakilala rito maliban sa mga kaklase ko at ibang ka-boardmate.

"Ahh wala. Napadaan lang. Masyado pa kasing maaga eh," palusot ko sa kaniya. Sakto namang lumabas na si Eunice at napatingin sa direksyon ko. Nakita kong namilog ang mga mata niya nang magtama ang tingin namin. Kasunod niyang lumabas 'yong lalaking sumalubong sa kaniya kanina. Nakita ko kung paano siya nataranta habang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.

Tatawagin ko na sana siya kaya lang umiwas siya ng tingin at nagkunwaring hindi niya ako kilala. Napakunot ako ng noo dahil sa nangyari. Bakit niya ginawa 'yon?

"S-sige, aalis na ako. Malapit na rin kasing magsimula ang klase ko eh," pagpapaalam ko.

"O sige, mag-iingat ka," paalala niya.

Mabilis silang nawala sa paningin ko. Kanina pa ako hindi mapakali habang tinatahak ang daan papunta sa classroom namin. Nang makarating na ako, dire-diretso akong pumunta sa likuran at pabagsak kong inilapag ang bag bago umupo. Narinig ko pang tinawag ako ni Vincent pero 'di ako umimik.

Dumoble ang bigat ng nararamdaman ko nang makita ko siyang papalapit sa pwesto ko at tinabihan ako. May gana pa talaga siyang tanungin kung okay ako matapos niya akong dedmahin kanina. Ang galing ah!

"Sorry kanina." Hindi pa rin ako nagsalita. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala naman akong karapatang magalit sa kaniya. Wala rin akong karapatang hingian siya ng paliwanag pero ang sakit lang dahil nagpanggap siyang hindi niya ako kilala kanina. Ikinahihiya ba niya ako?

"Pinsan ko 'yong kasama ko kanina. Siya 'yong kasama kong nagtransfer din dito," paliwanag niya.

"Ano ka ba? Hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa 'kin," Kunwari lang akong kalmado pero ang sama talaga ng loob ko.

"Sorry kung hindi kita pinansin kanina." Eh 'di sinadya nga talaga niyang gawin 'yon? Ano'ng dahilan?

"Wala 'yon, ano ka ba?" Ang galing mong umarte CJ. Grabe! Gumagaling na yata ang skills mo sa pag-acting ngayon. Baka madiscover ka niyan.

"CJ, sorry. I'm sorry," naiiyak na niyang sabi.

Ngumiti ako ng peke. Hindi ko alam kung napansin niya 'yon pero pinasigla ko na lang ang boses ko upang hindi ako mahalata. "Bakit ka nagsosorry? Okay lang 'yon, ano ka ba?"

"Akala ko ba tatawagan mo ko kagabi?" Pareho kaming napalingon nang magsalita si Hanna. Napatitig pa sa 'kin si Eunice habang nakanguso si Hanna sa akin.

"Nakatulog kasi ako nang maaga kagabi. Sorry, hehe," pagsisinungaling ko kaya natawa ng mahina si Eunice.

"Maniwala." Hindi ako nakaimik nang sabihin niya 'yon. Hindi naman kasi totoong nakatulog ako nang maaga dahil inabot pa kami ni Eunice nang madaling araw sa pagti-text.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon