Chapter 2

347 89 0
                                    

Martes ngayon ng umaga at ang lakas pa ng ulan. May bagyo ba o may iba na? Joke lang! Wala namang binalita sa TV eh, pero bakit ang malalaki ang patak ng ulan? Parang ulan-mayaman.

Maalinsangan pa ang panahon kahapon kaya nakakapagtaka ang biglaang pag-ulan. Pawis na pawis pa nga kami sa sobrang init habang ginagawa 'yong game. Wala pa naman akong dalang payong nang biglang bumuhos ang ulan kanina. Basang-basa tuloy ako. Iniwan ko kasi ang payong ko sa bahay dahil akala ko hindi uulan ngayon. Badtrip!

Tiningnan ko ang relo ko, alas siyete kwarenta y singko na. Shocks! Late na ako ng fifteen minutes. Tumakbo kaagad ako papuntang classroom nang makapasok ako sa gate. Nakakaasar nga dahil nasa third floor pa ng building ang room namin. Humihingal akong tumigil sa tapat ng pintuan at naghahabol ng hininga. Te'ka bakit tahimik?

"Good morning CJ. Please come in, please have a sit," sabay-sabay na bati nila nang sumilip ako. Bwisit na 'yan, hahaha.

Mga baliw kong tropa lang naman ang may pakana. Ang lalakas lagi ng tama, eh. Pumasok na ako sa loob at saka dumiretso sa hulihan. Wala pa siguro ang instructor namin o baka hindi ko lang talaga naabutan dahil may kinokopya na sila sa chalk board.

"Itsura mo?" pansin sa 'kin ni Lily.

"Malamang nabasa ng ulan. Kung may payong lang sana ako eh 'di nakailag ako. Gano'n talaga, parang pag-ibig lang 'yan, kahit iniiwasan mo, guguluhin ka pa rin," pilosopong sagot ko. Bigla siyang tumawa nang malakas sa sinabi ko kaya nagsilingunan ang mga kaklase namin.

"Hoy, Lily! Takpan mo nga 'yang bibig mo. Nangangamoy bulok na bagang dito," sigaw naman ni Vince kaya nagtawanan ulit ang mga kaklase namin.

"Grabe ka sa akin ha," pagmamaktol niya.

"Joke lang, hahaha." sagot ni Vince.

"Maganda ka raw, 'yon ang ibig niyang sabihin," pang-aasar ko naman.

"Thank you," mabilis na sagot niya. Umabot tuloy sa tainga ang ngiti niya nang marinig 'yon.

"Ipabunot mo lang 'yang sirang ngipin mo tiyak na mas gaganda ka pa lalo, aray!" hiyaw ko nang hampasin niya ang ng notebook sa braso. Tumawa ulit sila nang si Vincent namin ang pagbalingan niya. Natamaan kasi ito ng notebook sa mukha, hahaha.

"Aray! Ang brutal mo naman," daing ni Vincent.

"May nagkakatuluyan sa ganiyan," biro ko kaya mas lalo tuloy silang inasar ng buong klase.

Kinuha ko na ang notebook ko sa bag tapos pumwesto sa may gitna. Gaya ng dati, naibagsak ko na naman 'yon sa armchair ko. Ewan, pero gawain ko na talaga ang gano'n. Umangat ng ulo ang babaeng katabi ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya. Nalintikan na! Hindi ko siya namukhaan kanina kasi nakayuko siya tapos naka-braid ang buhok. Te'ka natutulog lang ba siya?

"Manners please?" Pinagtaasan lang niya ako ng kilay pero hindi ko siya pinansin. Nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko sa halip na lumipat pa. Nagkunwari na lang ako na hindi ko siya nakikita, hahaha.

"Hoy Vincent, paaralan 'to, hindi ito kwarto mo. Kung matutulog ka umuwi ka na lang, sayang ng tuition fee mo," kunwaring si Vincent ang pinaparinggan ko.

"Five minutes lang," hirit niya. Mukhang na-gets agad niya ang sinabi ko kaya natawa akong nang sinakyan niya ang trip ko.

"Gawain ba ng matinong estudyante ang gan'yan? Tsk!" Umiling iling pa ako kahit ramdam kong nakatingin pa rin siya sa 'kin.

"Baka mahipan ka ng hangin sa ginagawa mong 'yan. Achooo!" Bigla akong napabahing. Ang OA naman. Umepekto kaagad sa 'kin ang pagpapaulan ko kanina.

"Kiara! Hindi ka na naman aligo ano? Umaabot dito ang germs oh!" Narinig ko na lang na hinampas ni Kiara ng notebook si Vincent dahil sa katatawa nito.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon