CJ's POV
Pinaulanan ulit ako ni Lawrence ng texts kinaumagahan. Hindi na ako nakapag-reply pa dahil mali-late na ako. Mabilis akong nag-abang ng tricycle paglabas ko sa bahay namin.
Pagdating ko sa school, wala ng nagbabantay sa gate. Hindi ko rin nakita si Lawrence at ang mga kaibigan niya kaya dumiretso na lang ako sa classroom namin. Bago ako tumuloy, nakiramdam muna ako.
Bakit masyadong tahimik? Parang may mali. Nasa loob na kaya si Ma'am? Ang aga naman niyang pumasok.
Five minutes pa naman ang natitira bago mag-umpisa ang klase niya. Pagtapat ko pa lang sa pinto, sabay-sabay akong binati ng mga kaklase ko ng, "Good morning" habang lahat sila ay nakangiti.
Napanganga ako nang makita si Lawrence na may hawak na tatlong pulang rosas. Inabot niya sa 'kin 'yon tapos narinig kong naghiyawan ang mga kaklase ko.
Kung puwede lang sanang takbuhan ko ulit siya kagaya noong nakaraang araw ay kanina ko pa ginawa.
Gusto ko na lang lamunin ngayon ng lupa dahil sa tingin ko, kasingpula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.
Natanaw ko si Ma'am sa loob na nakangiti habang nakatingin sa amin. Mag-iiwan lang daw siya ng seatwork dahil may urgent meeting sila ngayon. Nakakahiya dahil pati si Ma'am ay naabala pa. Napahawak na lang ako sa batok bago kinuha ang mga bulaklak na binibigay ni Lawrence.
Wala talagang rason para hindi mahulog sa kaniya ang sinumang babae na magugustuhan niya. Hindi naman siya mag-e-effort ng ganito kung hindi talaga siya seryoso.
Nagkamali ako ng inisip sa kaniya at binabawi ko 'yon. Tama si Ate Haley. Kahit papaano ay may natitira pa rin namang espasyo sa puso ko para maging parte no'n si Lawrence.
Iyon ang isa sa pinakamasayang nangyari sa high school life ko. Noong araw ding 'yon, sinagot ko ang tanong na halos isang taon din niyang hinintay.
Hindi ko makakalimutan kung paano siya naiyak nang sagutin ko siya no'ng araw na iyon. Deserve naman talaga niyang mahalin din, eh.
Halos hindi na mawala ang ngiti sa labi niya sa tuwing magkausap kami. Sinekreto namin 'yon sa iba. Ang alam ng mga ka-schoolmate namin ay nililigawan pa rin niya ako.
Si Ysabel naman ay iniiwasan pa rin ako hanggang ngayon. Kapag nagkakaroon ng pagkakataon na nakakasalubong namin siya ni Lawrence, nginingitian lang niya kami na parang walang nangyari.
Medyo kinakabahan ako sa kaniya sa totoo lang. Hindi ko kasi alam kung ano talaga ang nasa isip niya. Nakakapagtaka kasi na bigla na lang siyang naging mabait sa akin samantalang galit na galit siya sa akin dati.
At dahil pareho kami ni Lawrence na inspired pumasok sa school, mas lalo rin kaming sinipag mag-aral. Sabay kaming gumagawa ng assignment sa library tuwing uwian.
Habang naghahanap ako ng libro sa Physics, nakita ko ang makapal na libro na nakapatong sa mesa. Nakalimutan yata itong ibalik ng humiram kaya kinuha ko 'yon para ibalik sa dating lalagyan.
Biology ang librong 'yon. Namiss ko tuloy ang mga lessons namin sa subject na 'yon. Binuklat ko muna ang libro bago ko binalik.
What Is a "Test Tube Baby?"
Iyon kaagad ang bumungad sa 'kin. Tungkol sa IVF o In vitro fertilization ang topic na nabuklat ko.
Naalala ko tuloy 'yong binanggit kanina ni Mrs. Sanchez, subject teacher namin sa MAPEH. Isa kasi 'yon sa mga lessons niya sa Health.
Binasa ko muna ang content no'n dahil paborito ko ring subject ang Biology. Napatingin muna ako kay Lawrence na abala no'n sa pag-so-solve ng mga Mathematic problems.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
RomansaHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...