Chapter 23

103 28 0
                                    

A/N: There's this guy named Lawrence na hindi nabanggit sa mga previous chapters. Siguro nagtatanong na kayo kung sino siya at ano ang koneksyon niya sa buhay ng mga tauhan sa kuwentong ito. Kilalanin natin siya sa mga susunod na chapters.

---

Lawrence Juarez's POV

High school kami noong makilala ko siya. Tahimik siyang babae, mahinhin at mahiyain. Out of fifty students sa klase nila, isa o dalawa lang ang nakikita kong palagi niyang kasama. Hindi siya 'yong tipo ng babaeng mahilig makipagbarkada.

Alam ng tropa ko na nililigawan ko siya. Nakakaasar nga dahil palagi nilang tinatanong sa akin kung ano raw ba ang nagustuhan ko sa kaniya samantalang patay na patay sakin 'yong leader ng majorette ng school namin na si Ysabel?

Palagi nilang pinagkukumpara silang dalawa. It took me one year para mapasagot ko siya. Palagi niya kasing sinasabi sa akin na baka raw niloloko at pinagtitripan ko lang siya. Dahil siguro iyon sa kilala ako sa buong school at marami akong kaibigang babae na kadalasan, panay ang pa-cute sa akin.

To make the story short, naging kami. Ang saya ko noong araw na 'yon. Sobra! Araw-araw akong gumagawa ng mga surprises para sa kaniya.

Minsan nga, pati teacher namin kasabwat ko na sa mga surprises na 'yon para lang sumaya siya. Sa katunayan, marami ang naiinggit sa kaniya simula nang maging kami.

Isang beses, nahuli kong hinaharang siya ng grupo ni Ysabel sa labas ng gate ng school namin. Obvious naman na naiingit siya kasi hindi siya ang pinili kong maging girlfriend.

Matagal kong pinaghandaan ang first monthsary namin. Nag-isip ako ng kung ano-anong surpresa para sa kaniya.

Hindi ko akalaing ieksena ang parents ko sa relasyon naming dalawa when in fact, wala pa naman akong nababanggit sa kanila. Isang tao kaagad ang sumagi sa isip ko, si Ysabel.

Close friend ng parents ko ang parents niya. Kadalasan siya pa mismo ang pumupunta sa bahay just to know what am I doing. Umaasta siya lagi na parang kami. Never ko siyang niligawan at lalong wala akong balak na ligawan siya.

Hindi kami umabot ng one month. On that day, na sana first monthsary namin, nakialam si Mom sa relasyon ko. She was asking me to break up with her or else, guguluhin niya ang buhay ng babaeng mahal ko. Wala man lang akong nagawa para ipaglaban siya.

Kaya sa mismong monthsary namin, nakipagbreak ako sa kaniya.

Iyon na ata ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko, ang saktan siya at iwanan na hindi man lang nalaman kung ano ang tunay na dahilan. Lahat na ata ng kasinungalingan nasabi ko na sa kaniya para lang magalit siya sa akin pero wala akong narinig sa kaniya no'ng araw na 'yon.

"I'm sorry. Narealize ko na hindi pala kita mahal. Tama 'yong mga naririnig mo. Pinaglaruan lang kita. Ni hindi ko nga alam kung bakit kita niligawan, eh. Maybe I was just bored that time. Hindi tayo bagay sa isa't isa. Kalimutan mo na ang nangyari." And with that, I left her hanging.

Parang dinudurog ngayon ang puso ko. Lahat ng sinabi ko sa kaniya, hindi totoo. 'Yong pangakong hindi ko sya iiwan? Ako mismo ang sumira no'n.

Matagal ko siyang pinagmasdan sa malayo habang nasa kotse ako. Suddenly, I found myself driving too fast.

Halos wala na akong makita. Pinuno na ng dugo ang mga mata ko. Malinaw pa sa alaala ko ang mga masasayang araw na kasama ko siya.

Iyon lahat ang pumasok sa isip ko habang nag-aagaw-buhay dahil sa matinding pagkakabangga ng kotse ni Dad sa poste.

Biglang pumasok sa isip ko 'yong araw na nagkausap kami. "Lawrence.." banggit niya sa pangalan ko habang nakaupo kami sa bench.

"Yup?" tugon ko.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon