"Hello, bakit 'di ka na tumawag?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Nawalan na ako ng sasabihin eh," malamyang sagot niya. Ramdam kong nagtatampo na siya sa usapan namin kanina.
"Kumain ka na?" Ako naman ngayon ang nag-iba ng usapan.
"Kanina pa," wala sa mood na sagot niya.
"Good," tugon ko. Pagkatapos no'n, wala nang nagsasalita. Segundo lang ang lumipas bago siya nagsalita ulit.
"Kayo ba ni Hanna?" Mas natawa pa ako sa biglaan pagtanong niya tungkol kay Hanna kaysa sa ate ko, haha. Mas binigyan pa talaga niya ng malisya 'yong pagiging clingy ng kaklase ko kaya sa mga sinabi ko kanina.
"Hindi," sagot ko naman agad.
"Talaga?" Kita n'yo na, magtatanong tapos hindi naman pala maniniwala. Bakit niya kaya naisip na may something sa 'min ni Hanna?
"Bakit mo naman naitanong 'yan?"
"Wala. Wala naman." Wala ba talaga?
"Bakit nga?" pangungulit ko pa.
"Sobrang close niyo kasing dalawa." Sa totoo lang parang gusto ko ng isipin na nagseselos siya kaya lang ayoko kong umasa, haha.
"Syempre, magkaibigan kami." Hindi ko naman aakalaing bibigyan niya ng malisya ang closeness namin ni Hanna.
"Feeling ko may gusto sa 'yo 'yon," diretso niyang sabi.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko kahit alam kong tama siya ng hinala.
"Na-sense ko lang. Gano'n kasi kaming mga babae," paliwanag niya. Wow! Na-amazed naman ako roon. Kaya pala tamang hinala palagi ang mga babae. Gano'n ba 'yon?
"Ang galing mo palang manghula," saka ako tumawa.
"So meron nga?" gulat tanong niya.
"Oo, inamin n'ya." Bigla na lang natahimik pagkatapos no'n.
"Hello, Eunice? Nandiyan ka pa ba?" Normal bang kabahan kapag may tumahimik bigla habang nag-uusap? Pakiramdam ko kasi may mali na sa nangyayari eh.
"Oo," mahinang sagot niya.
"Tahimik ka na naman. Kinakabahan tuloy ako."
"Bakit naman?"
"Ewan, pakiramdam ko kasi may kasalanan na naman ako sa 'yo." Ang awkward din sa totoo lang.
"A-ano ka ba? Hindi mo naman kasalanan kung bakit may gusto sa 'yo 'yong tao." Base sa tono ng pananalita niya, masasabi kong punong-puno iyon ng kalungkutan.
"Nakakatawa nga eh. Sa dinami-rami ng nagkakagusto sa kaniya wala man lang siyang napupusuan ni isa. Kung tutuusin nga ako 'tong walang maipagmamalaki kumpara sa iba," wika ko na ikinatahimik ulit niya.
"Hello? Nand'yan ka pa ba? M—may nasabi ba akong mali?" sunod sunod na tanong ko.
"Sinabi rin sa 'kin 'yan ng ex ko. Bakit ba gan'yan kayo mag-isip?" Ss pagkakataong ito, may halong inis na ang tanong niya.
"Obvious naman kasi ang sagot," tipid na tugon ko.
"Kayo lang naman kasi ang nag-iisip ng gano'n eh. Bakit kasi ang hilig n'yong ikumpara ang sarili niyo sa iba?" Napansin kong napataas ang tono ng boses niya kaya huminga muna ako nang maluwag bago nagsalita.
"Sorry. Galit ka ba?" mahinahon kong tanong.
"S-sorry din kung nasigawan kita," paumanhin niya.
"Okay lang," nakangiting wika ko kahit hindi naman niya ako nakikita.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
Roman d'amourHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...