Chapter 17

123 33 0
                                    

Napagkasunduan namin ni Eunice na magpapalitan ulit kami ng mensahe at magtatawagan. Bumalik na ulit ang mama niya sa Manila kaya back to normal na ulit kami. Hangga't maaari, iniiwasan naming hindi maging showy sa isa't isa kapag nasa school kami. Mahirap na. Alam n'yo naman kung ano ang nagagawa ng tsismis.

Sinabi na rin namin sa kanila ang tungkol sa relasyon namin at nangako naman sila na walang ibang pagsasabihan.

Paminsan-minsan ay napapadaan si Janice sa classroom namin. Sinusubukan ko talagang hindi siya sulyapan man lang o 'di kaya'y ako na ang umiiwas ng tingin kapag ramdam kong mapapatingin siya sa akin. Alam na rin ng mga kaibigan namin kung ano ang gagawin kapag may mga pagkakataong nagkukrus ang landas naming tatlo. Hangga't maaari, sinusubukan nilang huwag yayayain si Janice kapag kasama nila kami.

Si RJ naman, hindi na namin nakita matapos no'ng araw pumunta ito sa school namin.

∞ ∞ ∞

Nandito kami sa park ngayon kasama sina Daisy, Hanna, Kiara, Gia, Vincent, Jhonas at George upang magpahinga. Pagkatapos ng mahaba-habang oras namin sa school, narito kami upang mag-food trip na madalas naming ginagawa dati tuwing uwian.

Magkatabi pa nga kami ni Eunice habang kumakain kami. Kaniya-kaniyang kwentuhan ang mga tropa ko kaya kami namin ni Eunice ang magkausap.

"Babe?" mahinang pagbanggit niya sa tawagan namin.

Umungot lang ako bilang tugon. Abala kasi ang bibig ko sa pagnguya ng fries na paborito naming dalawa.

"Puwede bang gawan mo ako ng pabor?" Naguluhan ako sa sinabi niya kaya napaisip ako roon nang malalim. Ano naman kayang pabor?, tanong ko sa isipan.

"Ano 'yon?" curious kong tanong.

"Mangako ka munang gagawin mo 'yon para sa akin," seryoso niyang saad. Wala pa rin akong ideya sa gusto niyang mangyari pero sa huli, pumayag na lang ako. Wala naman sigurong mawawala sa akin kung ano man ang hihilingin niyang iyon.

"O, sige. Ano ba 'yon?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Puwede bang mag-usap kayo ni Janice?" Muntik pa akong masamid sa juice na iniinom ko. Bigla kasi akong natigilan sa sinabi niya. Tinitigan ko pa siya upang makasigurong hindi siya nagbibiro sa mga oras na 'yon pero hindi nagbago ang expression ng mukha niya.

"A—anong ibig mong sabihin?" nauutal-utal ko pang tanong sabay tingin sa malayo. Bakit gusto niyang mag-usap kami ni Janice? Para saan pa? Ngunit bago ko pa naisatinig ang aking nasa isipan, nagsimula na siyang magpaliwanag.

"Two days ago nang magkausap kami. Pauwi na sana ako nang matrap ako sa labas ng mall dahil sa ulan. Hindi ko naman akalain na nandoon din pala siya," pagkwento niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Ako na ang gumawa ng paraan para magkausap kami. Akala ko dati, kagaya siya ng ibang babae na gagawin ang lahat makipagbalikan lang sa ex nila pero nagkamali ako. Sobrang bait pala niya. Hindi ko akalaing gano'n ang magiging trato niya sa 'kin kaya naisip ko na kausapin mo sana siya. For closure, parang gano'n, baka kasi makatulong. The more kasi na iniiwasan mo siya, the more na maaalala mo pa rin siya." Seryoso siyang nakatitig sa 'kin habang sinasabi iyon.

"Gusto mong makalimutan siya nang tuluyan, 'di ba? Kausapin mo siya. Baka iyon ang tanging paraan para matanggap ninyo na tapos na talaga kayo, para unti-unti ng mabawasan 'yong sakit na nararamdaman ninyo." Tama si Eunice. Pero ang tanong, handa na ba ako? Handa na ba akong maging magkaibigan ulit kami?

Sino ba naman ako para ipagkait 'yon. May pinagsamahan naman kami kahit papano. Iyon nga lang, hindi naging maganda ang naging ending ng relasyon namin. At ngayon, alam ko na ang rason kung bakit.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon