Chapter 7

273 78 0
                                    

Normal ba talagang tamarin kapag dumating na ang araw na kapatid ng sabado? Imbes na bumangon kaagad, nagpagulong-gulong muna ako sa kama. Maaga pa naman at saka hindi naman siguro big deal kung magpa-late ako ngayon. Nasanay na kasi ako may faculty meeting tuwing biyernes nang umaga. Minsan naman, late na nang 30 minutes 'yong iba kung pumasok.

"CJ!" Si Hanna kaagad ang bumungad sa akin with matching kaway-kaway pa. Childish man iyon tingnan pero naku-cute-tan ako sa kaniya kapag ginagawa niya 'yon. Kahit kelan talaga, haha.

May isang beses nga na sumigaw kaagad siya at kumaway pagkakita sa akin habang naglalakad ako sa corridor. Dati nahihiya ako kapag ginagawa niya 'yon pero ngayon, hindi na. gusto ko silang inggitin lalo eh, hahaha. Kahit magkaiba kami ng hilig, nagkakasundo naman kami sa gano'ng trip.

"Wow ah! Alam niyo guys, sa mga magbabarkada, si CJ 'tong halos pag-agawan ninyo. Nandito naman kami ah?" hirit ni Vincent.

"Harmless kasi siya at mas lalong hindi siya manloloko." Napaangat kaagad ako ng tingin nang sabihin 'yon ni Daisy. Tila in-emphasize pa nito ang salitang 'hindi siya manloloko' upang marinig 'yon ni Eunice na kasalukuyang tahimik lang na nakaupo sa likuran namin.

"Hindi mo na kailangan itanong 'yan. Isang taon na nating kasama ang isa't isa at obvious naman ang sagot," sabat ni Hannah.

"Hanna, 'di ba manliligaw mo 'yon?" Ngumuso si George roon sa may gate. Hanap naman nang hanap si Hanna kung saan banda nakatayo ang manliligaw niya pero pinagtitripan lang pala siya nito.

"Ha? Nasaan?" Tumawa nang malakas si George nang bigla itong bumitaw sa paghawak sa braso ko.

"Wala naman eh," sabay pout nito nang mapansing niloloko lang siya ni George. Mabilis nitong kinuha ang notebook sa bag at saka siya pinaghahaampas sa braso.

"Aray! Tama na. Kung makadikit ka kasi akala mo magsyota kayong dalawa," reklamo ni George.

"Pakialam mo ba? Eh sa hindi siya nakakailang kasama." Pansin ko rin na masyadong kumportable sina Daisy at Kiara sa 'kin.

"Alam mo kasi George, walang gamot sa pagiging torpe," pang-aasar naman ni Jomar. "Kung no'ng una sinabi mo na kay Hanna na gusto mo siya, eh 'di sana hindi ka nahihirapang mag-imbento ng kwento ngayon para makonsensya siya," dagdag pa niya.

"Hoy! Wala akong balak na ligawan si Hanna 'no? Grabe kayo. Alam ko namang wala naman akong pag-asa riyan. Isa pa, ayoko ring magmukhang aso kabubuntot sa kaniya," depensa naman ni Jomar.

"Hindi mo pa nga nasusubukan, suko ka na kaagad. Wala ka kasing tiyaga," gatong pa ni Gia rito.

Nakakatuwa talagang asarin si Hanna lalo na kapag napipikon na siya, haha. Bigla na lang kasi siyang tatahimik tapos magiging malamya.

"Hindi ako pumapatol sa playboy," pasimpleng banat ni Hanna. Napalakas yata ang pag apir ni Vincent sa akin dahil nahulog pa siya sa upuan. Nawalan kasi ito ng balanse habang nakaupo mismo sa armchair. Sa kaniya tuloy napunta ang spotlight.

"Oh come on, itong mukhang 'to? Playboy? Sure na 'yon?" Sumeryoso ang mga mukha naming nang lapitan niya si Hanna at seryosong itong tumitig sa kaniya.

"Bakit? Niloko na ba kita? Pinaglaruan na ba kita? Hindi naman ah? Kaya stop acting as if you know me Hannah dahil hindi ikaw si Celine and you will never be Celine!" Halos pasukan na ng langaw ang bibig ni Vincent dahil sa pag-english ni Jomar. First time 'yon ah!

Hinablot ulit ni Hanna ang notebook na hawak-hawak ni George tapos pinampalo 'yon sa braso sa niya.

"Bwisit ka talaga. Kinabahan na ako at lahat tapos umeepal ka lang pala. Ang baduy mo kaya, alam mo ba 'yon? Nagawa mo pa talagang kabisaduhin ang linya ni Daniel Padilla sa 'Barcelona'. Fan ka ng Kathniel 'no?" Ito yata ang asaran na hinding-hindi ako magsasawang panoorin, grabe 'yong chemistry ano? 

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon