Third Person's POV
Hindi inasahan nina Eunice at Janice na sa gaanoong pagkakataon nila makikita ang matagal na nilang hinahanap. Masakit man para sa kanila ang nangyari ngunit tinanggap nila iyon ng buong puso.
Nakakapanghinayang lang na kung kailan maayos na ang lahat, saka naman hindi umayon ang tadhana.
Noon pa man, tanggap na ni CJ ang magiging kapalaran niya. May ideya na siya kung ano ang mangyayari sa kaniya sa hinaharap at hindi nga siya nagkamali. Alam niyang sa huli, wala siyang ibang makakapitan kundi ang sarili.
Sino'ng mag-aakala na konektado pala sa isa't isa ang mga taong minahal niya ng wagas noong mga panahong nabubuhay pa siya?
Ang babaeng pinakasalan ni Lawrence ay walang iba kundi ang best friend ni CJ na si Charlotte Hidalgo. Kahihiwalay lang ni Charlotte sa dati nitong nobyo nang magkakilala sila ni Lawrence. Ito ang naging karamay niya noong mga panahong sinusubukan niyang ayusin ang sarili at magpatuloy sa buhay.
Naging sandalan nila ang isa't isa at magkasabay na pinahilom ang sugat na dulot ng dati nilang pag-ibig. Saka lang niya nalaman ito pala ang pinakamatalik na kaibigan ng babaeng minahal niya nang lubos noon.
Kung may nais man siyang baguhin sa mga nangyari noon, iyon ay ang halos mag-agaw buhay si CJ noong gabing nang-hold up siya at napilitang saksakin ito upang makuha niya ang pera. Ganoon siya kadesperado noon. Kung alam lang niyang iyon pala ang babaeng mahal niya, ay hindi niya iyon gagawin.
Ano pa nga ba ang magagawa niya dahil halos hindi niya ito nakilala? Malayong-malayo na ang hitsura nito sa dating Cristine Joy na nakilala at minahal niya. Ibang tao na ito kung tutuusin. Kung hindi niya nakita ang ID nito malamang ay hindi niya pagsisisihan ang kaniyang nagawa.
Ngunit kahit anong gawin niya, huli na ang lahat. Ang tanging mayroon na lang siya ngayon ay ang alaala nito na hindi mabubura kahit kailan. Isinunod niya ang pangalan ng bunso niyang anak na babae sa pangalan nito.
Ngunit bago man siya magdesisyon na bumuo ng sariling pamilya, nalaman niya mula sa isang kaibigan na nangangailan ng sperm donor ang sikat na pribadong hospital. Sa tuwing naririnig at napag-uusapan ng iba ang ganoong bagay, isang tao lamang ang sumasagi sa isip niya— si Cristine Joy (CJ).
Sariwa pa sa alaala niya ang mga sinabi nito noon sa kaniya. Kung makakabawi pa man siya rito ay baka ito na siguro iyon. Ang tuparin ang ipinangako niya rito noon.
Dahil sa patakaran ng hospital na panatilihing kumpidensiyal ang mga impormasyon ng mga donor, hindi na nila nalaman na kay Lawrence galing iyon. Wala ring nakakaalam na isinilang ni Cristine Joy ang sana ay magiging anak nila ni Lawrence balang araw.
Noong araw ding iyon ay nasa parehong hospital sina CJ at Diana upang makipagkita sa kanilang doktor sa plano nilang In Vitro Fertilization. Si CJ mismo ang nagboluntaryong magdala ng bata sa sinapupunan dahil may deperensiya ito sa matris.
Halos wala silang pagsidlan ang kanilang tuwa nang malaman nilang kambal ang isisilang niyang sanggol ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, namatay siya sa panganganak.
Naging inspirasyon ni Diana ang mga bata para magpatuloy sa buhay. Pagkalipas ng isang taon ay namatay ang kaniyang ina. Inalagaan at pinalaki niya ng mag-isa ang mga bata.
Pagkalipas ang apat na taon, napagpasyahan ni Diana na ipaalam sa mga taong naging mahalaga kay CJ ang nangyari sa kaniya. Sinadya niyang alamin kung nasaan ang mga taong naging parte ng buhay ni CJ.
Bago ang araw na dinala ito sa hospital, binanggit nito kay Diana ang mga pangalang gusto nitong ibigay sa kambal. Sa huling pagkakataon, naikuwento nito sa kaniya ang mga taong naging parte ng buhay nito. Sinunod naman niya ang hiling ni CJ.
Kapalit ng pagkawala niya ay ang pagsibol ng bagong pagkakaibigan. Pagkalipas ng isang taon, nakatagpo si Diana ng tunay na pag-ibig na nauwi sa kasal. Iyon rin ang dahilan ng muling pagkikita ni Eunice at ang dati niyang kasintahan na si RJ.
Isa sa mga dahilan kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Eunice sa kay CJ noong unang beses silang nagkita ay dahil nakikita niya rito si RJ (na kabilang din sa LGBT). Kung nagpadala siya sa galit niya noon, malamang ay iba ang takbo ng kuwento ng istoryang ito.
Nawala man si CJ sa buhay nila, mananatili ito sa kanilang puso kailanman. Ang pagmamahal na binigay niya sa mga taong naging mahalaga sa kaniya ay panghabang-buhay.
Ito rin ang dahilan kung bakit kahit bali-baliktarin man ang mundo, hindi maikakailang mayroon silang koneksiyon sa isa't isa na para bang itinadhana talagang mangyari.
Wakas.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
RomanceHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...