Chapter 22

105 29 0
                                    

Janice's POV

"Hon, may phone call para sa 'yo," sigaw ng asawa ko mula sa kusina. Nasa banyo kasi ako at kasalukuyang nagsisipilyo.

Kumatok muna siya bago ibinigay sa akin ang cellphone ko. "Thank you, Hon. Yes, speaking." Si Diana pala ang nasa linya.

"What? Really? Oh my god! Congratulations." Finally! Diana is getting married. I'm so excited. Siguradong magtititili na naman si Eunice kapag nalaman niya ang tungkol dito.

"Yeah, sure. I'll call her. Okay. We'll be there in twenty minutes. Bye!" Hinanap ko kaagad ang number ni Eunice at xcited kong ibalita sa kaniya ang latest chika.

"Hello Bes?" wika niya sa kabilang linya.

"Aw, 'wag kang sumigaw." Sabi ko na nga ba, eh.

"Seryoso ba 'yan? Oh my god! I am so happy for her." See? Pareho kaming masaya sa kung anuman ang nangyayari sa buhay ng isa't isa.

"Sinabi ko sa kan'ya na susugurin natin siya in twenty minutes kaya mag-ready ka na riyan kasi dadaanan ka namin ni Jonard, okay? See you."

Na-excite lang kaming pag-usapan ang tungkol sa detalye ng kasal ni Diana. Masaya kaming nahanap na rin niya ang taong mamahalin siya habangbuhay. Legit 'yong saya lalo na kapag walang puwang ang pagkamuhi sa puso. 

Alam niyo 'yon? Iisa man kami ng taong minahal, hindi 'yon naging dahilan para magkaroon kami ng samaan ng loob sa isa't isa bagkus ay iyon pa ang naging dahilan para mabuo ang matatag na pagkakaibigan naming tatlo. Siguro dahil 'yon sa kabutihan ng puso na meron siya, bagay na hindi namin makita sa iba.

2 months later..

"Ops! I'm really sorry." Nabangga ko kasi ang photographer na kumukuha ng picture sa kasal ni Diana. Teka, familiar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati hindi ko lang matandaan kung saan.

"Bes, ano na? Parating na ba siya—" Natigilan si Eunice sa pagsasalita nang mapatingin sa kausap ko.

"RJ?" Naalala ko na, RJ nga pala ang pangalan niya.

"Hi," bati niya kay Eunice at nginitian din niya ito pabalik.

"Okay lang ba kayo?" pang-aasar ko.

"Y-yes, yes," utal-utal na sagot nila.

"Sigurado ba kayo?" natatawang tanong ko.

"M-magkakilala kasi kami," sabay nilang sagot.

"Okay?" habang palipat-lipat ako ng tingin sa kanila. Mukha kasi silang nati-tense na ewan.

"M-magkaibigan kami no'ng highschool," sabay ulit nilang sabi.

"Close friend, intimate friend, an acquaintance, which of them?" tanong ko.

This time, si Eunice na ang nagsalita. "Ex ko."

"Woah!" 'Yon na lang ang nasabi ko.

"I am Janice by the way, her bestfriend," pagpapakilala ko sa kaniya.

Inabot niya ang kamay ko. "I am RJ Avenida."

"Mommy, nawiwiwi po ako. Samahan mo po ako, please?" Napunta ang atensyon namin sa anak ni Eunice.

"Hi po. Bestfriend ka rin po ba ni Mommy, katulad nina Tita Diana at Tita Janice?" tanong ng bata kay RJ.

"Oo, baby. Best friend din siya ni Mommy. Magmano ka sa kaniya," ani Eunice.

Lumuhod si RJ at tumapat kay Cristine Joy.

"Kamukhang-kamukha mo siya," nakangising saad ni RJ habang nakatingin sa cute na mukha ng bata. May ibinulong si RJ sa tainga ng bata na ikinatawa nito.

"What is it? Hoy RJ! Baka kung anong kalokohan ang sinasabi mo riyan sa anak ko," pag-aalala ni Eunice. Natawa na lang talaga ako sa reaksiyon niya.

"Totoo naman eh, mas cute itong anak mo kaysa sa 'yo." So 'yon pala ang binulong niya? Akala ko naman kung ano na.

"Kahit kelan talaga," asar na sabi ni Eunice.

Muling sumeryoso ang mukha ni RJ. "Joke lang,” sabay kindat nito sa kaniya. Ganito pala mag-asaran ang mag-ex. Amazing! Sabagay, kami rin naman dati ni CJ, gan'to rin.

Niyakap ni RJ nang mahigpit ang bata. "Nice to meet you little Eunice," dagdag pa niya.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan silang mag-asaran. Sana lang ito na ang magandang simula para sa kanilang dalawa.

Sobrang saya sa pakiramdam na pare-pareho na kaming naka-move on sa lahat.

Meanwhile, dumating na ang inaabangan namin. Napakaganda ni Diana sa wedding gown niya. Simple lamang ito ngunit elegante tingnan. Simula sa make up niya, ayos ng buhok, wedding dress at venue— napaka-perfect lahat.

Kahit ako ay naiiyak na rin kahit hindi naman ako ang kinakasal.

Ano ba 'yan?

Tumugtog na ang wedding song nila habang naglalakad siya sa aisle. She's really pretty. Naging emosyonal na kaming lahat no'ng mga oras na 'yon. Gano'n naman lagi ang eksena kapag may kinakasal 'di ba?

Nag-flashback lahat ng magagandang nangyari sa buhay ko—no'ng bata ako, no'ng mag-high school at college ako, pati na noong nakilala ko si CJ.

Sariwa pa sa alaala ko no'ng umalis ako at iniwan siya na mag-isa. Masaya ako na naging magkaibigan kami ulit hanggang sa nahanap ko ang lalaking para sa 'kin, si Jonard.

Hay! Ang bilis ng panahon ano? Akala ko hindi ko na malalampasan pa ang mga sakit na nangyari sa buhay ko but look at me now, masaya at kontento na sa buhay.

Sa ngayon, I am pregnant, pangalawa namin ng asawa ko. Sana lang, maging okay pa rin kami hanggang sa huli. Wish ko rin na sana gano'n din ang maging buhay ng mga bff's ko. Nangako naman kami na nandito kami palagi sa isa't-isa. Best friends forever, ika nga.

This isn't yet the ending. Marami pa kaming pagsubok na haharapin sa buhay. Just think positive. Malalampasan namin lahat ng 'to. Tiwala lang.

Her Infinite Love [Completed] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon