Lunch break na at magkakasama kaming naglalakad papunta sa canteen. Napatingin ako kay Hanna na tahimik pa rin hanggang ngayon. Kahapon lang ang ingay-ingay niya tapos ngayon, wala siyang imik. Nilapitan ko siya at sumukob sa payong niya kaya napatingin siya sa akin.
"Ako na." Nagulat siya nang hawakan ko ang hawakan ng payong niya.
"May problema ba?" Iling lang ang sinagot niya.
"Kung tungkol 'yon sa sinabi ko kanina—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sumagot na kaagad siya.
"Hindi," mabilis na sagot niya.
"Eh ano?" tanong ko ulit.
"Wala. Huwag mo ng pansinin." Natawa ako ng mahina. Anong klaseng sagot 'yon?
"Bakit naman hindi? Alam mo namang ayokong nagkakaganito tayong magbabarkada. Ano ba talaga ang problema?" Pangungulit ko pa dahil sa totoo lang, naiintriga na rin ako.
"CJ, sa bahay tayo nina Jhonas tatambay mamaya. Huwag kang mawawala ah?" pag-aya ni Jomar. Pasimple lang akong tumango. Nasa canteen na pala kami pero si Hanna, tahimik pa rin.
"Sino ang may load? Makikitext lang ako. Nagtext kasi sa akin ang kapatid ko."
"Si Hanna, may callmate 'yan eh," Si George ang tumugon.
"Pwede?" sabay tingin ko kay Hanna. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa niya at biglang nagpanic nang mapagtantong wala ito roon.
"Nawawala. Teka, saan ko ba 'yon nailagay?" natarantatang wika siya.
"Ang cellphone kasi tinatago sa bulsa o kaya sa bag, hindi iniipit sa notebook," panenermon sa kaniya ni George. Inilabas niya ang cellphone ni Hanna at inabot iyon direkta sa akin. Binuksan ko kaagad 'yon upang magtext. Hindi ko alam kung bakit nataranta siya ulit nang buksan ko iyon.
"Hoy sandali lang— aish!" asar na wika ni Hanna sabay tingin nang masama kay George.
Nagulat na lang ako nang makita ko ang wallpaper niya. Picture naming dalawa ang naroon. Kunwari hindi ko na lang napansin dahil alam kong mahihiya na naman siya kapag tumingin ako sa kaniya. Hinampas pa niya sa braso si George dahil do'n.
"Nakakainis ka talaga," pagmamaktol niya. Napansin ko rin na hindi na siya nagiging kumportable nang mga oras na 'yon.
"Burara ka kasi. Hindi ko naman pinakialaman 'yan, okay? Ang OA mo naman." Natigilan si Hanna tapos napatingin sa akin. Matapos kong magtype, ibinalik ko na sa kan'ya ang cellphone niya.
"Salamat." Nahihiya siyang kinuha iyon sa akin. Alam niyang nakita ko na ang wallpaper sa cellphone niya kaya hindi siya gaanong makatingin sa akin. Mukhang hindi naman nakita iyon ni George dahil hindi naman niya kami inasar.
Sa totoo lang naging awkward na kaming dalawa pagkatapos noon. Ayoko namang ganito na lang kami kaya kinakausap ko siya palagi tapos sumasagot naman siya, tipid nga lang.
"Siya nga pala Hanna, kamusta na kayo ng boyfriend mong manyak?" biglang tanong ni Vincent. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong niyang iyon dahil wala namang kinukuwento sa amin si Hanna na may boyfriend na siya. Kaya siguro siya naoffend sa biro ko kanina. Sina Jomar, George at Jhonas naman ay halos mamatay na sa katatawa.
"Nakakainis ka talaga." Nakisabay din tumawa sina Daisy, Lily, Gia at Eunice.
"Gano'n pala mga ang type mo," hirit ko naman. Sa kaniya tuloy napunta ang pang-aasar. Gusto ko lang kasing ma-divert ang isip ko sa nakita ko kanina at para mawala na rin ang awkward na pakiramdam sa pagitan naming dalawa.
"Hindi ko boyfriend 'yon ano?" pagtatanggi niya.
"Asus! Nandito naman kasi si George. Matinong lalaki 'to. Hindi to babakla-bakla, mukha lang, hahaha." At dahil do'n nagtawanan ang buong tropa namin. Parang kami lang ata ang maingay kumpara sa ibang mga kumakain.
BINABASA MO ANG
Her Infinite Love [Completed] ✓
Storie d'amoreHer Infinite Love (A Stand-alone Novel) by callmeaudrey143 Muling nagulo ang inaakalang magiging tahimik na buhay ni CJ Vasquez sa ikalawang taon niya sa kolehiyo. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang babaeng lubos na kinaiinisan niya noong u...