Chapter 45

2K 110 92
                                    

[Kabanata 45]

Xyron Jin's P.O.V

Hindi talaga lahat nang bagay ay may Happy Ending, naniniwala din ako na hindi lahat nang fixed marriage ay nauuwi sa Happy Ending that they are fall in love with each other at the end.

God is always with us, to guide us at sya ang nagbibigay nang ating tadhana, pero tayo ang mamimili nang daan na ating tatahakin.

Heavenia choose that Path, Hindi nya ipinaglaban ang kanyang sarili sa akusasyon namin sa kanya, ganun lang kadali para sa kanya ang iwanan ang mga taong nagmamahal sa kanya.

I thought she's strong but I was wrong, ang hina nya dahil sa konting salita ay winakasan nya ang kanyang sariling buhay.

Walang dapat sisihin, maaring kami ang nagtulak sa kanya para gawin nya ang bagay na yun pero Hindi naman Kami ang nagtulak sa kanya sa kanyang kamatayan.

Pero bakit ganun? We all felt guilty, halos Hindi Kami makatulog dahil sa pagkawala nya, Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Dapat nga maging masaya ako dahil wala nang hahadlang sa mga pangarap ko kasama si Veronica. Pero My heart hurts a lot, kapag iniisip ko na wala na talaga sya ay sumasakit ang dibdib ko.

Ilang Buwan na din nang ideklarang wala na ang Crown Princess nang bansa, sa tingin ko ay nakalimutan na sya nang lahat.

Hindi man maganda ang kanyang naging pakikitungo sa akin pero Hindi ko ikakailang naging masaya naman ako sa naging pagsasama namin.

Wala na din sa bansa si Speid, Nang maideklara ni Lolo na wala na si Heavenia ay Dalawang araw ang makalipas nun nang umalis si Speid. Hindi ko alam kung saan sya pumunta.

Ang sabi lang ni Lolo ay sa ibang bansa na daw ipagpapatuloy ni Speid ang kanyang pag-aaral.

Nang mawala si Heavenia ay parang nawala na din sa akin ang lahat, umalis si Speid na itinuturing kong tunay na kapatid.

Nagkawatak watak na din ang barkada dahil sa nangyari, Si Yron ay Nangibang bansa na rin, si Zhad naman ay lumipat na nang school at si Hinx ay nanatili sa Bitterland University pero Hindi na nya ako kinikibo.

Nakikita ko din na ibang tao na ang kasakasama ni Liyah,ganun din naman si Normainie.

Ngayong Araw na iaanunsyo ni Lolo ang bagong magiging Crown Princess. Napagdesisyonan kasi nila na kinakailangan na daw magkaroon nang bagong Crown Princess.

Kilala kona kung Sino ang napili nila, Alam naman kasi nila na sa babaeng yun ako may gusto. Si Veronica ang Ipapalit nila bilang Crown Princess.

Masaya naman ako, Nang mabuag ang barkada ay si Veronica lang ang tanging isang Tao na hindi nang-iwan sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nanatili sya sa tabi ko.

Matutupad na din ang pinapangarap kong maging kabiyak si Veronica pero bakit Hindi ako masaya? Pagkatapos nang deklarasyon mamaya ay Sa susunod na linggo na ang kasal namin.

Kasalukuyan akong nasa mini Japan kung saan ko unang dinala si Heavenia sa utos din naman ni Lolo

Naaalala ko ang mga panahon na yun, kung papaano sya maging OA nang makita nya ang lugar na ito. Napapangiti na lang ako habang inaa
alala yun. Bakit kasi ganun ganun mo na lang isinuko ang buhay mo? Hindi mo man lang tinupad ang pangarap mong makapunta sa Japan.

Si Lolo at ang ibang Opisyal lamang ang dadalo sa Press Conference ngayon upang ipaalam ang nalalapit kong kasal sa susunod na linggo.

Sunod kong pinuntahan ang restaurant kung saan kami kumain, nahirapan din kaming makalabas nun dahil may mga reporter sa labas nang restaurant kaya kinailangan ko pang magpanggap bilang isang waiter para lang makalabas.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now