Chapter 27

2.3K 110 14
                                    

[Kabanata 26]

Xyron Jin's P.O.V

Natatawa ako sa sarili ko kung bakit ko ginawa ang mga ginawa kong iyon kanina. Napapatanong pa nga ako sa sarili ko na are you insane Xyron?

Pero at the same time. Curious ako sa lalaking pinangakuan si Heavenia. While she's sleeping kasi kanina ay nagsasalita sya about sa Promises.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na iyon kanina.

Flashback

Nakita kong Umalis na Ang grupo nila Heveania at grupo ko at mukhang lalakarin lang nila ito kaya naman ay agad akong nauna at dumaan sa kabilang kalsada para Hindi nila ako mapansin.

Nauna akong dumating sakay ng sports Car ko. Naka disguise na din ako para Hindi na makilala pa. Kumain ako ng Isaw sa tabi ng Manong na suki ni Heavenia. Nasabi na nito kasi kahapon na Sya ang suki nito.

Kalaunan ay dumating na nga sila. Bawat isa ay kumuha ng Isaw at kinain ito. Nakapagtataka kung bakit at papaano nila nalaman ang paraan kung paanong kainin ang Isaw.

Ang saya saya pa nga nila eh. Napansin ko namang nakatitig si Liyah sa akin kaya nagpanggap akong bibili ng Isaw na marami at ipapa supot (Cellophane) kona lang ito.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng lumapit ito sa akin. Tinutukan pa nya ako bahagya ng Pusher sa kaliwang tagiliran ko. Mukha na tuloy syang Holdaper.

"Wag kang kikilos ng masama dahil naninigurado akong mabubutas yang tagiliran mo kung may gagawin kang masama" sabi pa nito. Nainis naman ako dahil sa ginawa nya. No one dares to do that on me!

"What the h*ll! What's your problem?!" Singhal ko.

"Alam kong may masamang balak ka kaya kung ako sayo Hindi ko na itutuloy" nagmamatigas ka pa ah! Ibinaba ko ang suot kong facemask at nakita ko naman ang gulat sa kanyang mga mukha.

"Wag na wag mong ipagsasasabi kahit kanino na nakita mo ako dito kung ayaw mong tahiin ko yang bibig mo" pagbabanta ko sa kanya at agad din naman syang Tumango. Aalis na sana sya ng hawakan ko ang braso nya.

"Wait"

"B-bakit?"

"May nai kwento ba sayo si Heavenia? Ang alam ko kasi matalik ka nyang kaybigan kaya nagbabakasakali lang akong baka may nasabi sya sa inyo kanina?" Curious lang kasi ako kung bakit ang init ng ulo nya sa akin kanina tapos parang galit sya sa akin.

"Parang Wala naman" sagot nito na ikinadismaya ko.

"P-pero... Naalala ko na! Meron pala?"

"Ano yun?!"

"Eh bakit ba curious ka? Wag mong sabihing? Ayie Ikaw ha? May something kana noh? Ayie Aminin"

"Hindi. Wala pero nagtataka lang kasi ako kung bakit ang lamig ng pakikitungo nya sa akin kaninang umaga"

"Ah yun ba? Nakakatawa ngang isipin na ang babaw ng dahilan nya eh. Ang narinig ko kasi eh about sa Tom and Jerry Stuff na Hinihingi nya sayo tapos Hindi mo daw ibinigay"  huh? Wala naman syang hinihingi ah.

"Wala naman syang nahihingi sa akin"

"Ewan ko basta daw kumukulo daw ang dugo nya sayo. Kung Hindi mo naitatanong, obsessed na obsessed sya sa Tom and Jerry Stuff kaya kung May Tom and Jerry stuff ka na nakita nya baka yun ang dahilan" Pagsabi nya nun ay tsaka ko naalala na Tom and Jerry pala ang ginamit kong Damit pantulog kagabi.

"Sige Bumalik kana lang duon at baka magtaka pa ang mga kasama mo"

"Wala man lang thank you? Ang Damot mo naman"

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now