Chapter 59

1.8K 88 22
                                    

[Kabanata 59]

Heavenia's P.O.V

Ligtas naman akong nakauwi sa bahay, nadatnan ko si Claude na naghihintay sa sala.

"Saan ka ba nanggaling?" Agad nitong tanong sa akin. Hindi ko sya sinagot, Ayoko munang mapag-usapan ang mga nangyari kanina.

Humakbang na lang ako dahil ayoko munang magsalita. Pagod din ako dahil sa ginawa kong pagtakbo kanina, pakiramdam ko kasi parang ako yung nasa temple run na tumatakbo dahil may humahabol dito at gustong patayin.

"Heavenia" Tawag sa akin ni Claude. Napatigil naman ako at nilingon ko sya.

"Gusto ko munang magpahinga Claude" nakita ko ang pagbabago nang ekspresyon sa mukha nya. Nababasa ko ang pag-aalala sa kanyang mga mukha.

Ngumiti ako sa kanya para Hindi na sya mag-alala pa. Kahit sandali ko lang syang nakilala ay mahalaga sya sa akin at ayoko syang nag-aalala, ito siguro ang tinatawag nilang family affection.

"Wag kang mag-alala ayos lang naman ako, gusto ko lang talagang magpahinga, napagod kasi ako kakatakbo kanina, biruin mo iiwanan ako nung bus na sasakyan ko sana" Sinubukan ko pang magbiro pero Hindi natinag ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Sige, go and rest pero kapag may kaylangan ka, I'm always here ok? Si Daddy nga pala pinapasabi nya sayo na babalik muna daw sya sa Japan, Naka dipende na daw sayo kung sasama ka o hindi, kasama nya sina Lolo at Lola ganun din ang Daddy ni Julius" Hindi pa ako ready sa mga ganyang bagay. Ayoko munang magdesisyon dahil gulong gulo na ang utak ko.

"Sige pag-iisipan ko" Ipinagpatuloy ko lang ang paghakbang.

"Heavenia" muli ay napatigil ako sa paghakbang.

"Hmmm?"

"I want you to know that I am staying where you are, I'll never leave your side" Napangiti naman ako sa sinabi nyang iyon. Naalala ko na sinabi nya sa akin nung isang araw na matagal na nyang pangarap magkaroon nang kapatid at bingyang katuparan ko daw ang pangarap nyang iyon.

"Thank you" Sagot ko.

Malamya naman akong napa-upo sa gilid nang kama ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi naman ako nakakaramdam nang pagod sa physical na pangangatawan ko. Doctor naman ako pero Hindi ko alam kung ano itong sintomas na nararamdaman ko.

Huminga ako nang malalim, Isa ito sa mga ginagawa ko kapag feeling ko down na down na ako, Inhale and Exhale para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

Hindi ko din alam kung bakit bigla kona lang naramdaman sa sarili kong down na down ako, pakiramdam ko ay para akong pinag sakloban nang langit at lupa at nasa gitna ako.

Kasalanan ito nang Xyron na iyon eh! Nakakainis sya! Bigla akong napahinto sa ginagawa kong pagpapakalma sa sarili ko nang maisip ko ang bagay na iyon.

Bakit ko nga ba nararamdaman ang mga ganitong bagay? Bakit sya ang sinisisi ko? Dapat nga akong maging masaya dahil tuluyan na kaming mawawalan nang ugnayan sa isat isa. Simula pagkagraduate ko sa High School bilang Hellena Dela Cruz ay kinasusuklaman kona ang taong iyon.

Hindi ko naman talaga inaasahang ako pala yung Heavenia Kripot. Hindi ko din naman kasi alam kung papaano ako napunta sa Papsy ko dahil Hindi ko nga maalala ang lahat.

Wala din naman syang nababanggit tungkol sa pagkatao ko, pero naaalala kong pagkagising ko nun ay Heavenia ang itinawag nya sa akin. Nung una nagtaka ako, tinanong ko din sya kung bakit Heavenia ang itinawag nya sa akin eh Hellena naman ang aking pangalan.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now