Chapter 17

2.7K 105 3
                                    

[Kabanata 17]

Xyron Jin's P.O.V

"Hoy! Lalaki! Kung sa tingin mo ang gwapo mo para lang isnobin yung Gwapong lalaki dun eh maling mali ka!" Pagpasok pa lang namin sa loob ng palasyo kanina ay sinalubong Kami ni Gin Mashima ang Panganay na anak na lalaki ng Hari at Reyna ng Japan. Sya ang nag-iisang anak nina King Raku Mashima at Queen Chitoge Mashima.

"Baluktot kung mag-isip na prinsipe! Hello? Can you hear me your high nails? High heels? High School, High tower, High Temperature, High Potter?..."

"Can you shut your mouth? Your words are nonsense so keep your mouth shut or else I'll cut your Twisted Tongue" pagbabanta ko pa. At gaya ng inaasahan mahirap talaga tong pagbantaan dahil imbes na matakot eh tumawa lang.

"Pinagbabantaan mo ba ako Totoy?" Nanlaki pa ang mata ko sa sinabi nyang yun. Ano ba sya? Nasisiraan na ba talaga sya ng bait? Kasi kung oo ipapa mental Hospital kona talaga sya.

"Oh bakit Hindi ma makapagsalita? Tinamaan ka noh? Totoy? Wahahaha hmm"

"Ano ba!"

"Tanga! Baka may makarinig sa kawalang hiyaang sinasabi mo dyan kaya ko tinakpan yang nilalangaw mong bibig" imbes na mapikon eh tinawanan nya lang ako. Nakakainis man pero inaamin ko sa sarili kong medyo nasanay na ako sa ugali nya.

Sya yung tipong mahirap pa sa daga na patay gutom pero Hindi nasisilaw sa pera at kayamanan ng ibang Tao. Na prove kona yun nung minsang nasilip ko silang nag-uusap ni Tito Arthur.

Flashback

Papunta sana ako ng Garden ng makita kong kinakausap ni Tito Arthur si Heavenia. Agad naman akong nagtago para Hindi nila ako makita.

Sa kasagsagan ng kanilang pag-uusap ay nakita kong may inialabas na isang case si Tito Arthur at nang buksan nya yun ay punong puno ito ng pera.

"Ito ang pera Mahal na Prinsesa, ipinabibigay po ng Amang Hari ito sa inyong pamilya upang makapagpatayo kayo ng prenteng negosyo, 3 Million ang talaga nito kaya sana ay inyong tanggapin" ngumiti naman si Heavenia.

"Maraming salamat sa tulong nyo, at sa perang ito" Agad nyang tinanggap ang pera at ngumiti kay Tito Arthur.  Wala nga syang pinagkaiba sa ibang mga babaeng pera lang ang habol sa isang Tao. Sino nga ba naman ang tatanggi sa pera? Wala Hindi ba? Sabi nga nila lahat nabibili ng pera. Pero laking gulat ko nang makita ko itong itinapon nya sa Basurahan malapit sa kanya.

"May problema po ba mahal na prinsesa?" Nagtatakang tanong ni Tito Arthur.

"Anong  Akala nyo? Mabibili nyo ang dignidad at pagkatao ng isang Tao dahil may pera kayo at mahirap lang Kami? Oh God! Pasensya na po ha? Kung kawalang respeto po ang sasabihin ko ngayon pero! Hindi po Kami mabibili ng Pera nyo!"

"Hindi naman po yun ang iniisip ng amang hari mahal na prinsesa, ang sa kanya lang po ay gusto po nyang tulungan ang inyong pamilya at para makapagpatayo po kayo ng kahit ano mang negosyo"

"Paki sabi na lang sa Lokong lolo na yun na salamat na lang dahil Hinding Hindi ko tatanggapin ang perang yan! Paki sabi na din po na kung natatakot po sya na umurong ako sa gagawing kasalan dahil sa Hindi ko naman ito kagustuhan dahil naisahan nyo ako ay hindi ko gagawin yun. May utang na loob din naman ako eh kaya Hindi ako uurong sa kasal dahil utang na loob ko sa kanya ang kabuhayan ng aking pamilya dahil binayaran nya ang sangkatutak naming mga utang, kaya Hindi na po namin kukunin yang perang yan dahil may hanap buhay din po kami, isang marangal na trabaho na walang naaapakan at nalalamangang ibang Tao"

Napaisip ako sa mga sinabi nyang iyon. Bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya nung nasa Crest Palace pa lang Kami.

Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed)Where stories live. Discover now